NAGBUHOS si Zion Williamson ng season-high 35 points nang makumpleto ng New Orleans ang two-game sweep kontra Phoenix sa pamamagitan ng 129-124 panalo sa overtime.
Nagdagdag si CJ McCollum ng 29 points para sa Western Conference-leading Pelicans habang tumipa si Naji Marshall ng 16, umiskor si Larry Nance Jr. ng 15 at nag-ambag si Dyson Daniels ng 11.
Kumabig si Deandre Ayton ng 28 points at 12 rebounds para sa Suns, at tumapos si Mikal Bridges na may 27 points.
Nalasap ng Phoenix ang ika-4 na sunod na kabiguan.
Lakers 124, Pistons 117
Umiskor si LeBron James ng 35 points, nag-ambag si Anthony Davis ng 34 at pinutol ng Los Angeles ang three-game losing streak nang pataubin ang Detroit.
Kumalawit din si Davis ng 15 rebounds at nagbigay ng 7 assists at tumapos ang Lakers sa 3-3 sa six-game road trip. Kumubra si Lonnie Walker IV ng 18 points at nagdagdag si Russell Westbrook ng 11 points at 9 assists.
Nanguna si Bojan Bogdanovic para sa Detroit na may 38 points, 25 ay sa third quarter. Nagposte si Jaden Ivey ng 16 points, gumawa si Saddiq Bey ng 14 at nagdagdag si Alec Burks ng 11.
Hawks 123, Bulls 122
Umiskor si AJ Griffin sa overtime upang ihatid ang Atlanta Hawks sa stunning 123-122 win laban sa Chicago Bulls at putulin ang kanilang three-game losing streak.
May 0.5 segundo ang nalalabi, ipinasa ni Jalen Johnson ang bola kay Griffin sa lane para sa winning flip.
Ito ang ikatlong lead change sa last second. Ipinasok ni Trae Young ang isang step-back jumper mula sa top of the key, may 2.1 segundo ang nalalabi para bigyan ang Atlanta ng 121-119 kalamangan. Makaraang tumawag ang Chicago ng timeout, may isang segundo ang nalalabi, binigyan ni Bogdan Bogdanovic ng foul si DeMar DeRozan sa 3-point shot, may 0.5 segundo sa orasan at isinalpak ang lahat ng tatlong free throws upang bigyan ang Bulls ng 122-121 bentahe.
76ers 131, Hornets 113
Humataw si Joel Embiid ng 53 points at 12 rebounds upang pangunahan ang hosts Philadelphia laban sa Charlotte.
Ito ang ika-30 pagkakataon na umiskor si Embiid ng hindi bababa sa 40 points at 10 rebounds sa kanyang career. Ito rin ang ikalawang laro ni Embiid ngayong season na may hindi bababa sa 50 points matapos ang 59-point breakout kontra Utah Jazz.
Nanguna sina Terry Rozier at Kelly Oubre Jr. para sa Hornets na may tig-29 points. Nakalikom si Jalen McDaniels ng 15 at kumalawit si Mason Plumlee ng 12 rebounds para sa Charlotte, na natalo ng tatlong sunod.
Sa iba pang laro, pinayuko ng Knicks ang Kings, 112- 99; namayani ang Magic sa Raptors, 111- 99; at ginapi ng Rockets ang Bucks, 97-92.