NAUNSIYAMI ang pinakahihintay na pagsasama ng Superstar na si Nora Aunor at Star for all Seasons na si Vilma Santos sa isang proyekto.
Nakatakda sana silang magsama sa isang pelikulang ididirek ng award-winning at internationally-acclaimed Cannes best director na si Brillante Mendoza.
Ito ay para sa selebrasyon ng ikasandaang taon ng Pelikulang Pilipino.
Dahil nagpahayag si Lipa Representative na si Vilma Santos-Recto na priority sa kanya ang public service at naghahanda na siya sa 2019 national elections kung saan muli siyang kakandidato bilang kinatawan ng nasabing lalawigan, malabo na siyang makasama sa naturang proyekto.
Nakapanghihinayang lang dahil casting coup ito dahil kasama rin dito ang mga ex ni Ate Guy na si Tirso Cruz III at Christopher de Leon at ang be-teranong actor na si Eddie Garcia.
JERALD NAPOLES ET AL NAUUSO
HAPPY si Jerald Napoles dahil nauuso ang mga pelikulang plain-looking o hindi guwapo ang mga bida.
Kaya naman, tulad nina Empoy Marquez at Pepe Herrera, ayaw niyang sayangin ang pagkakataon.
Nakapagbida na kasi siya sa pelikulang “The Write Moment” at mula noon ay hindi pa siya nababakante sa pelikula.
Napansin din ang galing niya sa pelikulang “Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka” kung saan ginampanan niya ang role ng best friend ni Alex Gonzaga.
Ngayon, balik-komedya naman siya dahil isa siya sa mga bida ng “Ang Pangarap Kong Holdap” kung saan kasama niya sina Pepe Herrera, Paolo Contis at Jelson Bay.
“Kuwela ang pelikula. Tungkol siya sa mga apat na lalakeng nag-stage ng holdap,” kuwento niya.
Ayon kay Jerald, mas madaling gawin ang comedy dahil nasanay na siya sa pagpapatawa tulad nang ginagawa niya sa Sunday variety show na “Sunday Pinasaya”.
“Masaya siyang gawin dahil parang naglalaro lang kami ng mga kasama ko. Light din siya at magandang pangtanggal ng stress,” hirit niya.
Loveless ngayon si Jerald at ito raw ay choice niya.
“Gusto ko munang mag-focus sa career. Mahirap kasing pagsabayin pareho,” pagwawakas niya.
Huling nakarelasyon ni Jerald ang kanyang French girlfriend na naka-live in niya noon for 2 years.
CHERIE, AGOT AT KIKO SUMABAK NA RIN SA SCREENWRITING WORKSHOP
SINA Agot Isidro, Cherie Gil at Kiko Estrada ang mga karagdagang showbiz personalities na sumabak na rin sa screenwriting workshop ng multi-award winning at Plaridel awardee na si Ricky Lee.
Sila ang mga miyembro ng batch 21 ng workshop ni Lee.
Kasama nila sa batch ang mga director na sina JP Habac, Tara Ilenberger, Joseph Israel Laban, Jet Leyco, James Mayo, Rae Red, Phyllis Grande, Rayn Brizuela, Fatrick Tabada, Therese Cayaba, Shandii Bacolod, Pepe Diokno at marami pang iba.
Tulad ng ibang workshoppers, layunin nina Agot, Cherie at Kiko na magkaroon ng pangkalahatang kaalaman pagdating sa pagsusulat ng iskrip na magagamit nila kung sa-kaling mag-decide silang pumalaot sa scriptwriting o directing.
Comments are closed.