NAGTATAKA ang ilang mga nakapanood ng pelikula (To Love Somebody) nina Maja Salvador at Zanjoe Marudo kung bakit parang minulto raw ang pelikula gayung may ganda naman ito. Imagine, sa isang sinehan daw sa SM Taytay ay tatatlo lang ang mga taong nanood.
Para raw tuloy minulto ang pelikula.
Ito ay released sa auxiliary arm ng Star Cinema which is the Black Sheep Company.
Nakalulungkot daw dahil Graded A ang pelikula. The truth is, marami ang nagsasabing mas maganda pa raw ito sa The Day After Valentine’s at Exes Baggage, but why the abysmal showing at the box-office?
Well, wrong timing siguro dahil tuwing Undas nga naman ay nakabakasyon pa rin ang feeling ng mga manonood, kundi man nasa sementeryo.
Napakahusay ng direktor nito na si Jason Paul Laxamana.
Kung sabagay, hindi well accepted ang huling pelikula nina Zanjoe Marudo (Kusina Kings) at Maja Salvador (I’m Drunk, I Love You).
Baka nga pang-TV lang sila o baka naman it’s not the right project for them.
Anyway, mukhang sa sementeryo naka-focus ang mga tao o baka naman nasa out of town vacations, hence, going to the movies is not one of their priorities.
But the way I look at it, it appears that Zanjoe-Maja tandem is not that interesting.
REGINE ‘DI NASAPAWAN SI ANGELINE
PINANOOD ko ang ASAP sa Sydney, Australia at stand out talaga ang terpsichorean skills nina Enchong Dee at Enrique Gil.
Sa unang arangkada, nag-shine talaga si Enchong Dee. Pero nang mapuna ni Enrique na natatalbugan siya, itinodo niyang bigla kaya equal footing na sila ni Enchong.
Ang naiwan talaga sa showdown na ‘yun ay si Gerald Anderson na toned down ang dancing at hindi naman mahilig umeksena.
Nang kumanta naman sina Angeline Quinto at Regine Velasquez, with Gary Valenciano on the side and Erik Santos, obvious na gusto sanang makaeksena ni Regine but unfortunately, hindi pabor sa kanya ang areglo kaya hindi niya nasapawan si Angeline. Hahahahaha!
Ang nakatatawa, gigil na gigil talaga si Regina at gustong makatalbog at makaeksena to no avail.
Another thing, Angeline is not that slim but side by side with Regine’s obese frame, (obese frame daw, o! Hahahahaha!) she appeared totally svelte.
Kaya mag-diet ka, Regina. Now na! Hahahahaha!
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing. Christopher, my son, I love you so very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.