TARGET ni Pencak Silat Association president Jacel Kiram na palakasin ang kanyang grassroots program upang makatuklas ng magagaling na manlalaro na isasabak ng bansa sa iba’t ibang torneo at sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa Filipinas sa susunod na taon.
“My administration focuses on this direction designed to tap young potential athletes through viable, effective, comprehensive and long sustainable grassroots program,” sabi ni Kiram.
“I want to tap many talents to pick the best and finest athletes capable to win medals overseas and preserve the tradition of pencak silat as certified achiever,” dagdag pa niya.
Pinatatakbo ni Kiram ang pencak silat na iniwan sa kanya ng kanyang ina na si Dr. Celia Kiram.
Ang pagkakaalam ng marami, dahil ang pencak silat ay isang Muslim sport ay mga Muslim din ang mga naglalaro rito.
“That is not true. My athletes are combination of Muslims and Christians,” wika ni Kiram na binanggit sina Juanella Ballesta, Ric Rod Ortega, Dennis Dumandan, Clyde Joy Baria, Princess Lyn Enopia, Jocerin Abad, at Jefferson Lhey Loon.
Ang mga Pinoy ay nanalo sa nakaraang 17th World Pencak Silat na idinaos sa Indonesia at sa 5th Asian Beach Games na nilaro sa Danang, Vietnam kung saan tumapos ito na fifth overall na may tatlong pilak sa kabayanihan nina Enopia, Abad at Loon at tatlong tanso na kaloob nina Juanella Ballesta, Dennis Dumandan, Ric Rod Ortega, at Clyde Joy Baria.
Nanalo rin si Enopia ng ginto sa women Class A (40-45 kg), habang si Ballesta ay nagsubi ng pilak sa 17th World Pencak Silat.
Silver medalists naman sina Princess Lyn Enopia sa 45-50kg, Jocerin Abad 50-55kg, at Jefferson Rhey Loon sa 60-65kg, at bronze medalists sina Dennis Dumaan sa 45-50kg, Ric Rod Ortega sa 55-60kg, at Clyde sa Joy Baria 55-60kg. CLYDE MARIANO
Comments are closed.