DAHIL sa pagmamahal sa pencak silat na malapit sa puso ng kanyang namayapang ama na si Sultan Jamalul Kiram at ngayon ay nasa kanyang pamamahala, sinabi ni Jacel Kiram na palalakasin niya ang grassroots program ng naturang sport para makatuklas na mga bagong atleta na may potensiyal na katawanin ang bansa sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa Filipinas at sa iba pang international competitions.
“My administration anchored on this direction designed to tap young potential athletes in the countryside through viable, effective, comprehensive and long sustainable grassroots program,” sabi ni Kiram.
“I will strengthen the programs in search for many talents by instituting series of competitions nationwide because pencak silat is getting popular worldwide,” pahayag ni Kiram.
Ang pencak silat ay laging nag-uuwi ng karangalan sa bansa at umaasa ang opisyal na muling itong mananalo sa 2019 SEA Games.
Pinangasiwaan ni Kiram ang pencak silat matapos hirangin ang kanyang ina na si Dr. Celia Kiram bilang unang Muslim commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez.
Ang pagkakaalam ng marami ay lahat ng atleta sa pencak silat ay Muslim dahil nagmula ang nasabing sport sa mga bansang Muslim.
“That’s not true and misconception by those not familiar with pencak silat. My athletes are combinations of Muslims and Christians,” sambit n Kiram.
Binanggit niya sina Juanella Ballesta, Ric Rod Ortega, Dennis Dumandan, Clyde Joy Baria, Princess Lyn Enopia, Jocerin Abad, Clyde Joy Baria at Jefferson Lhey Loon. CLYDE MARIANO
Comments are closed.