ni SID SAMANIEGO
ROSARIO, CAVITE: Ito ang grupo ng mga kalalakihan sa Brgy. Bagbag 2 sa bayang ito na nagsasagawa ng penitensya sa panahon ng Semana Santa, na diumano’y isang paraan ng pagsisisi sa kasalanan.
Ang pagsisisi sa kasalanan ay isa sa 7 sakramento ng Simbahang Katolika.
Gamit ang balangkas na kawayan na ipinulupot sa tali ang siya nilang ihinahampas sa likurang bahagi ng kanilang katawa na hiniwa naman ng blade na may 10 milimetro ang haba na siyang nagiging dahilan ng pagdurugo.
Sa layong 1 kilometro, lalakarin nila ito habang hinahampas ang sarili hanggang marating ang simbahan ng San Isidro Parish Church sa Brgy. Ligtong 1.
Ayon sa grupo na ito, kanila itong ginagawa upang tumbasan diumano ang paghihirap ni Kristo.
Ang ritwal na paghampas sa sarili ay karaniwang nakahubad at kung minsan ay nakasuot ng puting damit na butas ang gawing likuran. May takip sa mukha at nakayapak habang naglalakad. Pagkatapos ng ritwal, ay naliligo sila sa dagat sa paniniwalang agad gagaling ang kanilang mga sugat.