KINALAMPAG ni Deputy Speaker Sharon Garin ang Kamara na ipasa sa pagbabalik ng sesyon ang House Bill 6360 o ang Agricultural Pension Trust Fund Act.
Layunin ng panukala na maitaas ang antas ng pamumuhay ng marginalized farmers at agricultural workers sa bansa sa pama-magitan ng pensiyon.
Sinabi ng mambabatas na karaniwang ang mga matatandang magsasaka ay wala nang maasahan na ikabubuhay kaya kahit matanda at mahina na ay napipilitan pa ring magtanim o magsaka.
Binigyang-diin niya na ang mga magsasaka ay isa sa pinakamahihirap na sektor sa bansa na dapat bigyang-pansin at tulungan ng pamahalaan.
Sa kabila ng pagiging mahirap ng mga magsasaka, malaki ang naiaambag ng sektor na ito sa gross domestic product (GDP) ng bansa na aabot sa 9% o P13 billion.
Sa ilalim ng panukala, magtatatag ng Agricultural Pension Fund na siyang pagkukunan ng pension bene-fits ng agricultural workers, farmers at maging ng mga mangingisda. CONDE BATAC
Comments are closed.