MAGANDA ang layunin ni Manny Pacquiao sa boxing, higit sa Pinoy boxers. Kung may direktang nakauunawa sa damdamin, sakripisyo at paghihirap ng mga fighter, kapado ‘yan ni Pacquiao. ‘Ika nga, kabisado niya ang likaw ng bituka, maging ang itinatagong kalokohan ng boxing promoters, managers at match makers.
Kaya hindi kataka-taka nang ihain niya sa Senado ang Senate Bill 2077 (An Act Creating the Philippine Boxing and Combat Sports Commission) na ang layunin batay sa impormasyong inihain ni Senator Pacquiao ay nakatuon sa promosyon ng boxing at combat sports, gayundin ang pangangalaga sa mga atleta higit sa panahon ng kanilang pagreretiro.
Tama. Makabuluhan. May saysay.
Ngunit, mestisong hilaw, ika nga ng mga miron sa sabungan ang naturang programa. Kung may mga adviser si Pacman nang gawin ang naturang bill, tila hindi nabusising mabuti ang mga detalye. Hindi nahimay nang todo ang tunay na kailangan ng mga professional boxer.
Hindi maikakaila na hindi nakakuha ng suporta ang naturang bill sa mga kapwa niya senador nang pagdebatehan ang Komisyon ni Pacquiao. Kumbaga sa salitang kanto, tapos na ang boxing sa first round pa lang. TKO. Knockout.
Sa public hearing, iginiit ni Senator Pia Cayetano na ang gawain at responsibilidad ng PBCSC na nais ni Pacquiao ay ginagawa na at nagagampanan nang tama at maayos ng Games and Amusements Board (GAB).
Dagdag pasanin pa sa tax payers ang P150 milyon na pondo ng PBCSC para ipansuweldo sa Chairman at apat na Commissioners na siyang magpapa-takbo ng naturang komisyon. Mula nang itatag ang GAB may ilang dekada na ang nakalilipas, ni hindi umabot sa P150M ang taunang pondo nito mula sa national budget. Hindi lamang boxing bagkus lahat ng professional sports sa bansa ang nasa pangangasiwa nito.
Sa mga panahong nagsisimula si Pacquiao, posibleng naranasan niya ang kawalan ng suporta ng ahensiya. Ngunit, sa kasalukuyan, sa pamumuno ni Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, nareporma ang GAB at kabilang sa programa nito ang libreng medical, drug test, dental at MRI examination sa mga local boxers at combat sports fighter.
Nais ni Pacquiao na masigurong makabuluhan ang propesyon ng boxing at hindi pupulutin sa kangkungan ang mga fighter sa panahong ng kanilang pagreretiro. Dapat at karapat-dapat. Subalit, hindi komisyon bagkus pensiyon ang dapat ibigay at siguraduhing matatanggap ng mga boxer sa pagtatapos ng kanilang career.
Ngunit, ang masakit na katotohanan, hindi kabilang ang pensiyon sa pondo ng GAB dahil walang batas para rito. Nakalulungkot isipin na ang isang dayuhan sa katauhan ng boxing promoter at pilantropong si Naris Singwangcha ang naglaan ng sariling pera para rito. Nitong 2018, sinimulan ng Thai promoter – na labis ang paghanga at respeto sa Pinoy boxers – ang pamimigay ng P3,000 monthly allowance para sa mga Pinoy world champion mula sa apat na boxing organizations (WBC, WBA, WBO and IBF). Natigil lamang ang programa nang maapektuhan ang mga negosyo bunsod ng COVID-19 pandemic.
Muling lalaban si Pacquiao sa susunod na buwan kontra Amerikanong si Errol Spence. Ano man ang maging resulta, hindi maaapektuhan ang kabuhayan ni Pacman na masinop na nakapagtabi ng kanyang kinita sa panahon ng kanyang pagreretiro. Hindi niya kailangan ang pensiyon. Ngunit karamihan sa ating mga fighter ay hindi kasimpalad ni Pacman. Sa pagtatapos ng kanilang career, kailangan nila ang ayuda mula sa pamahalaan.
Hindi pa huli ang lahat, kung hindi pasado ang PBCSC, maaring maghain ng bagong bill si Pacquiao na nakatuon lamang sa paglalaan ng pensiyon. Sa huli, ito ang mas nararapat. Hindi kailangan ang bagong Komisyon na posibleng pagsimulan lamang ng bagong korupsiyon. Higit na kailangan at malapit sa bituka ng mga Pinoy boxer ang pensiyon.
(Para sa reaksiyon at suhestiyon, ipadala sa [email protected])
959838 399734Also, weblog regularly and with interesting material to maintain individuals interested in coming back and checking for updates. 232961
33860 979408You will uncover some fascinating points in time in this post but I do not know if I see all of them center to heart. Theres some validity but I will take hold opinion until I appear into it further. Wonderful post , thanks and we want considerably much more! Added to FeedBurner too 218703
14147 697615Some truly great content material on this web site , appreciate it for contribution. 576679
354891 512563Hello! I just wish to give an enormous thumbs up for the very good data you may have appropriate here on this post. I can be coming again to your blog for more soon. 778141
Slot เว็บ ตรง มองดูไม่เสริมเติมกว่า PG SLOT 2022 เว็บของพวกเรา นําเสนอเกมสล็อตที่นานัปการซึ่งจะทําให้ท่านเพลินใจได้นานหลายชั่วโมง นี่เป็นคุณประโยชน์บางประการของการเล่นเกม
slot joker เปิดให้บริการเกม พีจีสล็อต มากไม่น้อยเลยทีเดียว นานัปการแบบอย่าง ยิ่งกว่านั้นยังมี ยิงปลา รวมทั้ง บิงโก อีกด้วย สล็อตออนไลน์เปิดให้บริการมากยิ่งกว่า 250 เกม
306483 150787How a lot of an appealing guide, maintain on producing far better half 172450
652326 735165Most valuable human beings toasts should amuse and present give about the couple. Beginner audio systems previous to obnoxious throngs would be wise to remember often the valuable signal employing grow to be, which is to be an individuals home. best man speech examples 398916