PEOPLE EMPOWERMENT

NGAYONG linggong ito ng Pebrero, ipinagdiriwang natin ang makasaysayang panalo ng sambayanang Pilipino sa pag-gunita ng ikatatlumpu’t anim na taon ng EDSA People Power Revolution. Bago tayo lubusang magpatuloy sa ating usapin, ano nga ba ang ilan sa mga importanteng detalye na hindi dapat natin maibaon sa limot?

Sa napakahalagang apat na araw ng Pebrero 1986, mil­yun-milyong Pilipino, sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) sa Metro Manila, at sa mga lungsod sa buong bansa, ang nagpakita ng huwarang katapangan, paninindigan, at pagnanais na muling maibangon ang bansa mula sa labis na pagkasadlak. Kinikilala rin ang makasaysayang People Power bilang isang matagumpay na pagbawi ng mga kalayaang matagal nang ipinagkait sa ating mga kababayan. Ang milyun-mil­yong nagtipon para sa 1986 People Power Revolution—ang kulminasyon ng isang serye ng mga pampublikong protesta; isang hindi maipagkakailang tagumpay at patunay na may kapangyarihan ang mga Filipino lalo’t higit kung tayo ay magsasama-sama.

 

 

Ngunit makalipas ng mahigit tatlong dekada, sa masa­sabi ba natin na makapangyarihan pa rin ang mga mamayang Filipino? May katuwang ba tayo sa pagpapangalaga ng indibidwal nating mga ‘kapangyarihang’? Ano-ano ang mga proyektong may layunin na makapaghatid ng karagdagan oportunidad para sa ating mga kababayan?

People Empowerment – iyan ang pamagat at paksa ng ating usapin. Mahalaga ito sapagkat sa laban ng pang-araw-araw na pamumuhay, karamihan sa atin ay may iba’t-ibang pagsubok na kinakaharap. Masuwerte kung ika’y may katuwang na pamilya upang harapin ito. Ngunit ang realidad, kadalasan ay hindi pantay-pantay ang oportunidad at kahandaan ng bawat isa sa iba’t-ibang isyu ng lipunan. Ngunit, mga ka-Negosyo, ito ang magandang balitang aming hatid; may katuwang ka! Tama! Hindi ka nag-iisa sa hamon ng buhay. Bukod sa mga aktibong kababayan, iba’t-ibang lider ng sector ng lipunan – tiyak nating kaagapay ng bawat isa ang gobyerno at ang napakaraming private companies upang mas mapagyaman ang people empowerment sa ating bansa.

Isa na nga sa katuwang ng bawat Filipino ay ang gobyerno. Sa mga nakalipas na taon, tunay namang binigyang pansin ng administrasyon ang ilan sa mga importanteng isyu ng lipunan. Problema sa trabaho, edukasyon, agrikultura, imprastraktura, droga at ma­rami pang iba. Lahat ng mga proyektong ginawa at patuloy na isinasagawa ay para sa layunin ng pagbibigay ng mas magandang oportunidad sa bawat Filipino.  Ngunit, sabi nga nila, nag-iisa lang ang gobyerno. Bagama’t ito ay may pondo’t madato, limitado pa rin ang kakayahan nito lalo kung walang suporta o kola­borasyong direkta sa malalaking kompanya na nagpapayabong ng ekonomiya ng ating bansa.

 

 

 

 

Mabuti na lamang at nandiyan ang San Miguel Corporation (SMC). Ang San Miguel Corporation ay isa sa pinakamalaki conglomerates ng Pilipinas. Kilala sa mga nangu­ngunang produkto sa merkado at pamumuhunan sa iba’t ibang sektor, tulad ng mga inumin, pagkain, enerhiya, gasolina at langis, imprastraktura, at mga serbisyo sa pagbabangko. Pero higit sa lahat ng nabanggit, kilala rin ang SMC bilang isang kompanyang consistent na kaagapay ng pamahalaan.

Kabilang sa mga kontribusyon ng SMC ang daan-daang milyon para sa pagkain at kagamitang medikal, libreng gasolina at mga waived toll fee para sa mga frontliners, at ang pagtatayo ng mga pasilidad ng quarantine. Ginawa rin San Miguel Corporation ang kanilang mga liquor plants upang gumawa ng disinfecting alcohol para sa mga ospital at klinika na labis na kailangan sa hamon ng pandemya. Nanguna rin ang San Miguel Corporation sa pagtiyak na mabakunahan ang kanilang mga empleyado; bagay na napakalaking tulong para sa ating gobyerno, bansa at higit sa lahat, mga kababayan upang mas masugpo ang COVID-19.

Ilan pa sa naging proyekto ng SMC katuwang ang pamahalaan ay ang South Luzon Expressway (SLEX) Elevated Extension project. Kamakailan nga lamang ng pormal na pina­sinayaan ang P14-bilyong (SLEX) Elevated Extension, na hudyat ng ganap na pagkumpleto ng pinakahihintay na proyekto. Dahil sa completion ng nasabing proyekto, nabanggit ni Ramon S. Ang, SMC President and Chief Executive Officer, na naisasakatuparan ng SMC at goberyno ang layunin nitong magbigay ng pangmatagalang solusyon sa lumalalang trapiko sa Skyway, SLEX, at mga pampublikong kalsada, na dati ay umaabot ng maraming kilometro.

 

 

 

Kawangis ng mga proyekto ng pamahalaan at ng San Miguel Corporation, tiyak ang people empowerment kung patuloy ang pagtutulungan ng bawat isa upang makapaghatid ng kaginhawaan para sa sambyanang Filipino. Sa lahat ng nabanggit, siguradong naging malinaw na ating makakamtan ang tunay na empowerment ng Filipino kung may mga proyektong patuloy na magi­ging simbolo na hindi limitado ang iyong pamumuhay, may kaagapay sa iyong suliranin at mapagtatagumpayan ng bawat isa ang ano mang hamon ng buhay. Tagumpay na ka­tulad ng makasaysayan EDSA ­People Power Revolution. Edwin Cabrera