PEPE HERRERA AYAW PAAWAT, SUSUNDAN ANG YAPAK NI EMPOY

HINDI na talaga paawat ang tinaguriang da­ting Pambansang Sidekick na si Pepe Herrera dahil sunod-the pointsunod ang kanyang pagbibida tulad na lamang ni Empoy Marquez.

Pagkatapos ng kanyang pagpupursige sa showbiz, napansin  ang kanyang talino dahil bida na siya sa pelikulang “The Hopeful Romantic” kung saan ginagampanan niya ang role ng isang valet parking attendant na wala pang karanasan sa mga babae o virgin  na na-in love kay Ritz Azul na siyang mag-bibinyag sa kanyang sa kahulugan ng tunay na pag-ibig.

Nakaka-relate rin daw siya sa kanyang role sa naturang pelikula dahil itinuturing niya ang kanyang sarili bilang isang “hopeless romantic.”

“Lahat naman tayo may ganoong side. We want to meet someone who gets us, at pwede nating pagsabihan ng kahit ano. At the same time, kasama ng kasama natin, at everyday life. That’s common for human beings.  I have a lot of moments where I’m like that,” aniya.

Walang girlfriend si Pepe at gusto muna niyang magpokus sa kanyang career.

Bukod sa “The Hopeful Romantic”, ginagawa rin niya ang isang romcom fantasy opposite Arci Munoz kung saan gagam­panan niya ang role ng isang ang taga-lupang kumupkop sa isang alien.

Isang magaling na stage actor din si Pepe dahil naging bahagi siya ng cast ng longest running Pinoy musical na “Rak of Aegis” ng PETA.

Lalong bumango ang kanyang pangalan nang manalo siya bilang best actor sa “Sakaling Hindi Makarating” ni Ice Idanan na naging kalahok sa ikalawang edisyon ng Cine Filipino film festival.

Pero, pinaka  nagning­ning ang kanyang pangalan nang mapasama siya sa toprating Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” ng Dreamscape Entertainment.

Katunayan, malaki ang ipinagbago ng buhay niya noon dahil tinagurian siyang “Pambansang Sidekick”.

Dagdag pa niya, kahit busy sa paggawa ng pelikula, hindi raw niya iiwan ang pag-arte sa teatro.

“Sa teatro ako nagsimula at nagkapangalan, kaya never ko siyang iiwan,” pagtatapos niya.

WEAREINTRAMUROS SHORT FILMFEST INILUNSAD NA

Liza DiñoINILINSAD na ng Film Development Council of the Philippines sa pamumuno ni Liza Diño ang WeAreIntramuros short filmfest. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Intramuros administration na kinakatawan ni Atty. Guiller Asido.

Layunin ng filmfest na isulong at gawing lokasyon ang Intramuros  sa paggawa ng mga pelikula o audiovisual production. Sampung kalahok ang mapipipili at bibigyan sila ng ayuda para maiprod­yus ang kanilang mga short film. Ang WeAre­Intramuros film challenge ay bukas sa lahat ng kabataan na nasa high school o college. Sasailalim din sila sa film camp on intensive filmmaking.

Ang mga nais lumahok ay puwedeng ma­kipag-ugnayan sa Film Development Council of the Philippines secretariat o bisitahin ang kanilang website na www.fdcp. ph. para sa karagdagang detal­ye. Ang deadline sa pagsusumite ng  entries ay itinakda sa Setyembre 20.

For your comments/reactions write to [email protected] .

Comments are closed.