Dahil nga sinampahan ng 19 counts of cyber libel ni Vic Sotto si Darryl Yap, at ang hinihinging Santos ay P35 million, dapat sana ay kabahan ang direktor. Pero hindi, haharapin daw niya ang kaso.
January 9, 2025 nagsampa ng kasong cyber libel si Vic sa Muntinlupa City Regional Trial Court laban kay Darryl. Kasama niya ang misis na si Pauleen Luna.
Kaugnay ito ng teaser ng pelikula ni Darryl na The Rapists of Pepsi Paloma, kungsaan direktang binanggit ang pa_ngalan ni Vic bilang rapist. Anyway, alam ng lahat ito dahil napakalaking kontrobersya nito noong dekada ’80.
“Ako’y nanahimik,” ani Vic. “Heto po yung reaction ko. Walang personalan ito. I just trust in our justice system. Ako ay laban sa mga iresponsableng tao, lalo na pagdating sa social media.”
Ayon naman sa controversial movie director, hindi niya mapipigilan si Vic sa kalayaan at karapatan nitong magsampa ng reklamo, pero nag-post siya sa social media ng screenshot ng eksena sa teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma tampok si Rhed Bustamante, na siyang gumaganap na Delia Smith.
Magkaeksena sina Gina Alajar at Rhed, kunsaan tinanong ni Charito (Gina) si Pepsi (Rhed) kung totoo bang “ni-rape” siya ni “Vic Sotto.” Sinagot ito ni Pepsi (Rhed), “Oo!”
Sa ating pagsusuri na mga kaganapan, noong una ay iginiit talaga ni Pepsi na ginahasa siya nina Vic, Joey de Leon at Richie D’Horsie (RIP). Natural lang na “Oo” ang isasagot niya. Nagsampa siya ng demanda sa tulong ni Rey de la Cruz (RIP), pero inurong din niya, at after one year, saka pa siya nagpakamatay.
Tanong ni Darryl: “Nagsinungaling ba ang teaser?”
I don’t think so. Sinabi talaga yon ni Pepsi.
Kaya siguro malakas ang loob ni Darryl na ilaban ang kaso. Nangyari naman talaga yon.
To recall, Delia Dueñas Smith ang tunay na pangalan ni Pepsi Paloma, isang dating bold star na nag-suicide bago pa sumapit ang kanyang 18th birthday noong May 31, 1985.
Base raw ang movie sa kwento ng ina ni Delia na si Lydia Duena Whitley at kapatid na si Zaldy na siyang nakatagpo sa bangkay.
Looks like lalabas namang “clean” di Darryl, pero ang kwestyunable, sino ang producer ng movie na ito, at bakit itinapat pang panahon ng eleksyon? Politically motivated nga ba ito o nagkataon lamang?
Honestly, gusto rin naming malaman kung ano ang tunay na nangyari. Authentic ba ang nakitang diary? Yung pagbawi sa kaso, bukal ba sa loob?
Alam naman nating very powerful talaga ang mga Sotto kahit noon pang 1896 na panahon ng rebolusyon.
We have nothing against Vic and Joey — dahil patay na nga si Richie. Curious lang ba!
Pero kung mas makakasira ito kesa makakabuti, pwede naman sigurong mas todo pa sa managot na lang sa langit ang nagkasala. Hindi naman natutulog ang Diyos.