Bihira Na ang nakakakilala kay Pepsi Paloma, isa sa mga soft drink beauties ni talent manager Rey de la Cruz (RIP).
Legend po talaga si Pepsi Paloma dahil napakakontrobersyal niya hanggang sa kanyang kamatayan.
Isinilang noong July 17, 1966, ipinasiya niyang wakasan ang kanyang buhay noong Mayo 31, 1985 sa pamamagitan ng pagbibigti sa murang edad na 17.
Inilalarawang misteryoso at kalunos-lunos ang kanyang pagkamatay, na naging isa sa most intriguing pop culture figures sa kasaysayan ng bansa.
Mag-aapat na dekada na ang nakalilipas ngunit pinag-uusapan pa rin ang kanyang kamatayan, lalo pa at ang sangkot dito ay tatlong sikat na personalidad — Vic Sotto, Joey de Leon at Richie d’ Horsie. Lumikha pa si Ely Buendia ng Eraserheads ng kantang Solarium na ang real inspiration daw ay ang Pepsi Paloma Rape Case. Kaya lang, dinala niya hanggang libingan ang katotohanan.
Si Pepsi, o Delia Duenas Smith sa totoong buhay, ay panganay sa apat na magkakapatid. Single mom ang kanilang inang si Lydia Dueña na taga-Samar. Iniwan sila ng kanilang amang si Kenneth Smith, isang American letter carrier, noong maliliit pa sila.
Nakilala ni Delia si Tita Ester noong 1980 na siyang nagdala sa kanya kay Rey de la Cruz, isang gay optometrist na naging talent manager. Siya rin ang nakadiskubre kina Rio Locsin at Myrna Castillo.
Sumikat agad si Pepsi nang maghubad siya sa pelikulang Brown Emmanuelle sa direksyon ni Celso Ad Castillo. Fourteen years old pa lang si Pepsi noon at ang screen name ay Scarlet, na pinalitan ng Pepsi ng kanyang manager na si Rey de la Cruz dahil binuo na nga niya ang “Softdrink Beauties.” Liban kay Myra Manibog, ang iba pang kasama niya ay sina Sarsi Emmanuelle at Coca Nicolas. Agad silang nakakuha ng atensyon.
Na-type cast si Pepsi sa mga titillating films tulad ng Virgin People (1984) at Naked Island (Butil-ulan) (1984), at nakatrabaho pa niya si veteran actress Charito Solis (RIP).
Noong June 1982, nakasama ni Pepsi si si Guada Guarin para mag-guest appearance sa comedy show na Iskul Bukol na ang bida ay ang mga emcees ng Eat Bulaga na sina Vic Sotto, Joey de Leon, at Richie D’Horsie (Ricardo Reyes).
Ani Pepsi, matapos ang shooting ay pinunit ng tatlo ang soot nilang blouse at pinaghahalikan siya. Si Richie raw ang ang nauna at sumunod si Vic habang si Joey ang kumukuha ng pictures. Remember, wala pang cellphone noon.
Nangyari raw ito sa Broadcast City, Diliman, Quezon City.
Nung gabi na, dinala raw sila sa Room 210 ng Sulo Hotel. Pinainom umano sila ng droga at ginahasa ng tatlong host sa nasabing hotel.
Lumikha ito ng malaking iskandalo at pinagpiyestahan ng mga reporter, lalo na nang magsampa ng kaso si Rey de la Cruz, talent manager nina Pepsi at Guada, kay dating Defense Minister Juan Ponce Enrile.
Mariin naman itong itinanggi ng mga akusado. Ayon kay Tito, sina Pepsi at Guada ang lumapit para magpa-picture. Souvenir photos daw na hinahalikan sila ng mga host.
Sabi pa ni Tito, “How can you easily rip a pair of maong? Suppose we did tear their shirts apart at Broadcast City; why would they follow us all the way to Sulo? To get a script? You mean nobody saw them in their tattered shirt? That’s impossible.”
Dagdag pa niya, “From that angle alone, the story looked sensational. Imagine Vic Sotto, babakla-bakla, raping a woman?
Nang-urot pa si Joey de Leon na nagsoot ng T-shirt na may nakasulat na “Coke is it,” sa preliminary arraignment na parang pagtuya kay Pepsi.
Si Rene Cayetano, ama nina Senators Pia and Alex Peter Cayetano, ang abugado ni Pepsi. Biglang nawala si Paloma habang inihahanda ang kaso. Na-tracked down siya kay Bienvenido “Ben Ulo” Mendoza na alyado ng mga Sotto at Castelos. Close relatives nga pala ang mga Sotto at Castelo.
Nagbago ang ihip ng hangin after one month. Nag-public apology sa national TV ang tatlo. Ganito more or less ang sinabi nila:
“We hope that you will not allow the error we have committed against you to stand as a stumbling block to that future which we all look forward to. We, therefore, ask you to find it in your heart to pardon us for the wrong which we have done against you.”
Later, may pahayag si Pepsi na pinagbantaan ang kanyang buhay. At hindi pa rin natigil ang kontrobersya, lalo pa’t isang taon after the infamous rape, kinasuhan ng obscenity si Pepsi sa PC Criminal Investigation Service (CIS) dahil sa pagsasayaw ng hubad sa Paulette Theater sa Baliuag, Bulacan. Nilayasan din niya ang kanyang manager at ang boyfriend na si Roy Rustan, matapos magpa-abortion at naging adik sa droga.
Bumalik din naman siya kay Rey de la Cruz noong 1983, pero may sakit na siya. Nang gumaling, ginawa niya ang pelikulang “The Victim,” na hawig sa naging karanasan niya.
Bago pa ito ipalabas, natagpuan ang kanyang bangkay na nakabitin sa loob ng cabinet noong May 31, 1985. Ayon sa polisya, nagpakamatay si Pepsi Sa pagitan ng 1 P.M. at 2 P.M. 6 P.M. na siya natagpuan ng kanyang boyfriend at half-brother na si Zaldy White, na 15 years old pa lamang noon. Sa kanyang suicide note, sinabi niyang “This is a crazy planet.“
Natagpuan naman ang diary ni Pepsi na may entry mula April 26 hanggang May 18. Ganito ang nakasulat:
“I love yah…Ms. Pepsi Paloma….love always,” sa first page ng diary.
List of expenses naman sa sumunod na tatlong pages –P2,000 for school accessories, notebooks (hs), pencil, scissor, paste, bag (hs), (silver swan); P 2,000 for the (g.olate and pert. set) May 25,
dentist (w/ Tita Amphy), May 20;
P2,000 for payment of the house; P250 for yaya of Chuck, May 22
P250 for maid. “enrolment of Diane, Chris & George, Zaldy before June 85.”
P1,000-d. bank; P1,000-dentist; P2,000-p. house; P1,000 enrollment; P500-maid; P2,000-plate; P1,000-grocery; P250-curtains; P500-rice for mother; and P500-Zaldy for S.
Umabot ang gastusin sa P9,750 na sa ibaba ay may nakasulat din in all caps: “Make it less its to (sic) much expenses (sic).”
Nakasulat din sa diary ang maraming isyu kasama na ang financial problems, insufficient movie roles, bigay ng responsibilidad sa pamilya at pati na ang inang pakiramdam niya ay hindi siya mahal.
Sabi niya: “Wala akong masyadong pelikula. Maraming gastos…..Ako lahat ang gumagastos sa bahay, pati pang-tuition ng mga kapatid ko…..Hindi ko alam kung itinuturing akong tunay na anak ng nanay ko.”
Itinanggi ito ni Babette Corcuerra. Wala raw depression angle, at kumikita ng maayos si Pepsi. Nag-adopt pa nga raw ito ng sanggol at excited ito sa kanyang debut. Besides, fully booked daw sa dancing performances ito, at katatapos lamang ng Pepsi Paloma Show. May movies pa nga raw sana itong gagawin, – Ang Dormitory Girls, Savage Girls, at May Batas Sa Daigdig.
Sa isang banda, kwestyunable kung kay Pepsi nga ang diary.
Nagpahayag naman si Sarsi Emanuelle, ssa sa mga soda beauties, na nagtangka ngang mag-suicide si Pepsi sa bahay niya isang linggo bago naganap ang suicide. Problemado raw ito sa pamilya.
Nakahihinayang si Pepsi dahil may ibubuga rin siya sa pag-arte. Maaaring natulad siya kay Cannes film festival award-winning actress Jaclyn Jose.
Noong 1982, binawi ni Pepsi ang rape case. Aniya, “Walang pagkakasala ang mga nakademanda, at ako’y pinilit lamang ng mga taong may pagnanais na kumita sa pamamagitan ng maling publisidad.”
Si Guada Guarin, kasama sa nagsampa ng kaso, ay tahimik na ngayon ang buhay, ngunit muling binubulabog ng mga reporters dahil muling binubuksan ang isyu ni Darryl Yap.
Ayaw na raw niyang pag-usapan ang isyu, at napakatagal na nito. Kung bubuksan daw uli ang isyu, mananariwa uli ang sugat. Ayaw niyang maapektuhan ang kanyang pamilya.
She also believes people will never understand what she and Paloma went through.
Kaye VN Martin