PERALTA BAGONG CHIEF JUSTICE

Diosdado Peralta

ITINALAGA kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senior Associate Justice Diosdado Madarang Peralta bilang bagong chief justice ng Korte Suprema.

Ito ang kinukumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagsabing ang appointment papers ni Peralta ay may petsang Oktubre 23.

Si Peralta ang pumalit sa nagretirong si Chief Justice Lucas Bersamin na nagretiro noong Oktubre 18.

Most senior justice si Peralta sa tatlong kandidato na inendorso ng Judicial and Bar Council kay Pangulong Duterte.

Nagsimula sa kanyang government si Pe­ralta nang maitalagang assistant fiscal sa Laoag City noong 1987 at pagkaraan ng isang taon ay  nalipat bilang assistant fiscal din sa Manila Fiscal’s Office.

Taong 1994 nang mahirang si Peralta bilang Presiding Judge ng branch 95 Regional Trial Court Judge ng Quezon City at na-promote na Associate Justice ng Sandiganbayan noong 2002.

Nagsilbi rin si Pe­ralta na Presiding Justice ng Sandiganbayan noong 2008 bago mahirang na ika-162 mahistrado ng Kor­te Suprema noong 2009.

Si Peralta  na tubong Laoag, Ilocos Norte ay nagtapos ng abogasya sa University of Santo Tomas Faculty of Civil Law.

Ang bagong punong mahistrado na asawa ni Court of Appeals Associate Justice Fernanda Lampas-Peralta ay nakatakdang magretiro sa Marso 27, 2022. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.