(Peralta nagkortesiya kay Mayora) PEACE AND ORDER SA LAS PIÑAS PALALAWAKIN

Imelda Aguilar

LAS PIÑAS CITY- NAGKORTESIYA si Southern Police District (SPD) Col. Emmanuel Peralta kay Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at Vice-Mayor April Aguilar at sentro ng kanilang pulong ang pagpapalawak sa peace and order measures sa mga barangay ng naturang lungsod.

Ang naturang pagbisita ni Peralta kung saan inasistehan ito ng hepe ng Las Piñas police na si P/Col. Segundo Lagundi sa mag-inang mayora at bise-mayora ay napag-alaman base sa Facebook account ng pamahalaang lokal ng Las Piñas.

Sa naturang pag-uusap, nangako si Pe­ralta na paiigtingin ng lokal na pulisya ang pagmamatyag upang mapigilan ang ilegal na sugal, pagkalat ng ilegal na droga drugs gayundin ang presensya ng mga makina ng fruit game sa siyudad.

Bukod pa dito, ipinangako rin ni Peralta kay Aguilar na kanya mismong babantayan ang kilos ng kapulisan sa lungsod lalo na sa pakikipaglaban nito sa mga ‘di-inaasahang pangyayaring kriminal na aktibidad sa lungsod.

Ayon naman kay Aguilar, sinabi ng ma­yora na gusto niyang mapanatili ang tahimik na siyudad at malayo sa anumang masamang mangyayaring aktibidad na manggagaling sa mga kriminal. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.