NAIBALIK sa may ari ang natagpuang pera ng isang janitor sa may immigration counter ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa tulong ng lost and found personel ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Ayon kay Nelson Palo, building attendant sa NAIA, on duty siya sa may immigration area nang mapansin niya ang naiwang plastic folder, at agad niya itong dinala sa Investigation Division (IID) Lost and Found Section for safe keeping.
Agad naman ito tiningnan ni Jude Rendel Alejada, lot and found staff, at ang laman ng white envelop ay 20,500 at pagmamay -ari ng isang Maeda Tatsuya, isang Japanese national.
Batay sa report,dumating sa bansa si Tatsuya noong August 05, 2022, mula Japan, at inamin nito na nakalimutan niya ang naturang envelop habang inaasikaso niya ang kanyang entry pass sa Bureau of Immigration. Froilan Morallos