PUMALO sa $2.5 billion ang cash remittances mula sa overseas Filipino workers noong Oktubre, mas mataas ng 8.7 percent kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Dahil dito ay umabot na ang total cash remittances para sa unang 10 buwan ng 2018 sa $23.8 billion, mas mataas ng 3.1 percent sa kahalintulad na panahon noong 2017.
Ayon sa central bank, ang mga nangungunang bansa na nakapag-ambag sa pagtaas ay ang United States, Canada at Taiwan.
“By country source, 79 percent of the total cash remittances for the first ten months of 2018 came from the US, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singapore, Japan, United Kingdom, Qatar, Canada, Germany, and Hong Kong,” sabi pa ng BSP.
Samantala, lumobo ang personal remittances ng 8 percent sa $2.757 billion noong Oktubre mula sa $2.552 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Umabot naman sa $26.5 billion ang personal remittances para sa January-October period, mas mataas ng 2.9 percent year-on-year.
Ang Filipinas ay isa sa world’s largest recipients ng remittances, kung saan milyon-milyong Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa ang nagpapadala ng pera na nakatutulong sa paglakas ng domestic consumption, isang key driver ng economic growth.
Sinabi naman ni independent economic consultant John Paolo Rivera na tuwing ‘ber’ months ay inaasahan na nila ang pagsipa ng remittance dahil sa mga OFW na nagpapadala ng pera sa kanilang mga pamilya sa Filipinas.