KABILANG sina Columbian Dyip super rookie CJ Perez, San Miguel Beer ace behemoth June Mar Fajardo at TNT KaTropa chief play-maker Jayson Castro sa mga nangunguna sa stats races sa PBA Season 44.
Si Perez ay scoring champ, si Fajardo ay rebounding king habang nangibabaw si Castro sa playmaking. Ang tatlo ay kabilang sa contenders para sa coveted season MVP plum, kasama si Christian Standhardinger ng NorthPort.
Sina Stanley Pringle ng Barangay Ginebra, Sean Anthony ng NorthPort at Poy Erram ng NLEX ay gumawa rin ng marka sa season bilang mga kampeon sa iba pang key statistical departments.
Si Perez, ang top draft selection mula sa Lyceum U, ay nanguna sa scoring race na may average na 20.8 points per game.
Ipinakita ng 6-foot-1 slasher/shooter ang kanyang scoring prowess maging sa Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup sa China.
Sumusunod sa kanya sina Phoenix Pulse gunner Matthew Wright (18.89 ppg), Fajardo (18.87) at Bobby Ray Parkssa ikalawa, ikatlo at ika-apat na puwesto, ayon sa pagkakasunod-sunod. Nasa ika-5 puwesto si Pringle (17.0), kasunod sina RR Pogoy (16.6), Anthony (16.4), Troy Rosario (15.3), Castro (15.2) at Ian Sangalang (15.1).
Magaan naman na nadominahan ni Fajardo ang boards sa pagkalawit ng 13.0 rebounds per game. Malayong pumapangalawa si Sangalang (8.5), kasunod sina Raymond Almazan (8.0), Erram (7.8) at Anthony (7.6).
Nangunguna naman si Castro sa assist department na may 6.1 per outing. Sumusunod sina Chris Ross (5.4), Scottie Thompson (5.0), Chris Banchero (4.89) at Robert Bolick (4.88).
Bukod sa scoring at rebounding, si Anthony ay nagmarka rin sa steals na may season-best 2.4 per game, kasunod si dating steals champ Ross (2.2).
Samantala, ang top guns sa 3-point area ay sina Pringle (2.42), Pogoy (2.34), Rashawn McCarthy (2.3), Wright (2.24), Marcio Lassiter (2.17), LA Tenorio (2.15), Parks (2.13), Simon Enciso (2.083), Rosario (2.080), Baser Amer (2.07) at Paul Lee (2.06).
Pagdating sa percentage, ang ‘deadliest’ ay sina Philip Paniamogan (40.8 percent), Von Pessumal (40.6 percent) at Rey Nambatac (40.2 percent).
Sina Pringle, Perez at Parks naman ang ‘most exposed’ kung saan naglaro sila ng hindi bababa sa 37 minutes per game. CLYDE MARIANO
Comments are closed.