PINANGUNGUNAHAN nina CJ Perez at Aaron Black ang initial batch ng players na kikilalanin sa PBA Press Corps virtual Awards Night sa March 7 sa TV5 Media Center.
Ito ang ikalawang sunod na Scoring Champion award para sa 27-anyos na si Perez, habang pangungunahan ni Black ang All-Rookie Team na pararangalan ng grupo ng mga reporter na nagko-cover sa PBA beat sa event na magbibigay-pugay sa top performers ng 2019 season at 2020 Philippine Cup bubble.
Ang one-hour program ay handog ng Cignal TV at ipalalabas sa PBA Rush sa March 8.
Si Perez, dating NCAA MVP mula sa Lyceum, ay may average na 24.4 points sa all-Filipino conference noong nakaraang taon noong siya ay nasa Terrafirma pa, upang manguna sa liga sa scoring sa ikalawang sunod na season. May average siya na 20.8 points bilang freshman na nagbigay sa kanya ng Rookie of the Year honor at ng isang puwesto sa Mythical Team.
Samantala, si Black, 24, ang nangunguna sa All-Rookie team kasunod ng kanyang mahusay na performance sa Meralco sa bubble, kung saan pumasok ang Bolts sa semifinals ng Philippine Cup sa unang pagkakataon sa franchise history. Nakopo niya ang Outstanding Rookie Plum ng season.
Makakasama ni Black sa All-Rookie unit sina Arvin Tolentino ng Barangay Ginebra, Terrafirma’s Roosevelt Adams, Barkley Ebona ng Alaska, at Renzo Subido ng NorthPort.
Ang iba pang awards na ipagkakaloob para sa maikling 2020 season ay ang Outstanding Coach of the Bubble, Mr. Executive, President’s Award, Top Bubble D-Fender, All Bubble D-Fenders, Mr. Quality Minutes, at ang Game of the Bubble.
Pararangalan din ang mga awardee ng 2019 season sa special rite, sa pangunguna nina 2019 Baby Dalupan Coach of the Year Leo Austria ng San Miguel, Danny Floro Executive of the Year PBA Chairman Ricky Vargas, at Presidential Awardee Vergel Meneses, ang kasalukuyang Bulakan, Bulacan mayor at 1995 league MVP.
Comments are closed.