OUT of town dates, isa iyan sa ginagawa ng maraming magkasintahan upang ipagdiwang ang Valentine’s Day. At bukod sa out of town, isa rin sa masayang gawin ay ang pagtungo sa En-chanted Kingdom. Kaya’t bigyan nang twist ang pakikipag-date para magkaroon ng magical at romantic date sa nag-iisa at katangi-tanging world-class theme park sa Filipinas.
At para maibigay ang perfect date sa mahal mo, narito ang ilang tips na maaaring subukan:
#1 Kung nag-iisip ka ng pagkakataon o tamang lugar para mahawakan ang kanyang kamay, maaari ninyong subukan ang thrill-ing adventure gaya ng Space Shuttle, EKstreme Tower, Anchor’s Away, at marami pang iba na tiyak na mapasisigaw kayo.
Mapasigaw man kayo, perfect naman ito para maging knight-in-shining armor at maiparamdam sa minamahal na safe ito sa tabi mo.
#2 Kung kayo naman ang klase ng couple na mahilig sa singing at dancing, tamang-tama rin ang lugar na pinuntahan ninyo. Namnamin ang malamyos na musika sa Enchanted Kingdom’s very own Victoria’s Way and Kingsmen, at panoorin ang special performances ng Enchanted Kingdom Circle of Artists sa buong park. Paniguradong mapaiindak kayo ng iyong ka-date.
#3 Magandang ideya rin naman ang pagtungo sa may kalayuang lugar. Kaya naman, dalhin ang iyong ka-date sa breathtaking tourist destinations sa bansa nang hindi pinagpapawisan o napapagod.
Simpleng-simple lang, hawakan ang kanilang kamay at hayaan ang Agila The EKsperience ang magdala sa inyo sa destinasyong nais ninyo.
Sa pamamagitan lang ng isang ticket ay masisilayan na ang kagandahan ng bansa habang katabi ang ka-date.
#4 Isa pa sa makapagbibigay ng perfect date sa inyo ng mahal mo ang Grand Carousel. Kung nais ninyong balikan ang nakaraan o ang memories ng inyong pagkabata, swak na swak ang Grand Carousel.
#5 Panghuling tip para sa perfect date sa Enchanted Kingdom ay ang pinaka-espesyal sa lahat. At iyan ay ang masaksihan ang Sky Wizardry. Hindi lamang ang sparks ng fireworks ang tiyak na papaimbabaw sa katangi-tanging gabing iyon.
Sa mga nag-iisip ng romantic date, alam n’yo na kung saan ang best place. Sa pamamagitan ng simpleng tips na ibinahagi namin, tiyak na magiging perfect ang inyong date. Panigurado ring marami pa kayong kakaiba at masayang madidiskubre.
Kaya’t mag-log na sa www.enchantedkingdom.ph at planuhin ang inyong trip sa most magical place in the country and remem-ber the magic of love!
Bisitahin ang www.enchantedkingdom.ph para sa iba pang Valentine’s promos!
Comments are closed.