PERFECT RECORD ITATAYA NG SMB VS GINEBRA

Mga laro bukas:
(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – TNT vs NortPort

7:30 p.m. – Ginebra vs San Miguel

ITATAYA ng San Miguel Beer ang kanilang malinis na marka sa pagharap sa Barangay Ginebra sa  PBA Philippine Cup ngayong Biyernes sa Araneta Coliseum.

Ang Beermen ay nasa ibabaw ng standings na may 3-0 kartada kasunod ang   NLEX Road Warriors (4-1) at NorthPort Batang Pier at Gin Kings na may 3-1.

Nakatakda ang laro sa alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng TNT Tropang Giga at Batang Pier sa alas-4:30 ng hapon.

Sasakay ang  Beermen at Kings sa momentum ng morale-boosting victories kontra Phoenix Super LPG Fuel Masters at  Magnolia Hotshots, ayon sa pagkakasunod, noong Easter Sunday.

Sinabi ni Ginebra coach Tim Cone na ang kanilang 87-77 panalo sa Easter Sunday Manila Clasico ay “a lift more than anything else” papasok sa kanilang laro kontra San Miguel.

“They’re playing right now in a level that they don’t look like beatable. We’ll see what we can do,” sabi ni Cone patungkol sa tropa ni coach Jorge Gallent na winalis ang Kings sa kanilang best-of-five semifinals showdown sa nakalipas na Commissioner’s Cup.

Ang isa pang hamon para sa  Kings ay ang patuloy na pagliban ni  injury-hit energy guy Scottie Thompson.

Gayunman ay umaasa si Cone na madadala nila sa laro ang superb effort na kanilang ipinamalas sa  bounceback win laban sa Magnolia mula sa pagkatalo sa Meralco Bolts.

“Our conference took a hit against Meralco, it showed crack (in our game),” sabi ni Cone at binigyang-diin ang kahalagahan ng panalo noong Linggo

Muling sasandal ang Beermen kina CJ Perez, Jericho Cruz, June Mar Fajardo, Terrence Romeo, Don Trollano at Marcio Lassiter.

CLYDE MARIANO