PERFORMATURA 2019: PERFORMANCE LITERATURE FESTIVAL

PRODUCTION team ng Performatura 2019

MULING nagbabalik ang Performatura: Performance Literature Festival,­  handog ng Sentrong Pangkul-tura ng Pilipinas sa Abril 5-7, 2019. Ito ay libre at bukas sa publiko. Matutunghayan dito ang iba’t ibang uri ng pagtatanghal ng sining tulad ng malikhaing pagbasa ng tula, dula, maikling kuwento, sayaw, musika, pag-awit, pag-arte at iba pa. Magkakaroon din ng exhibit, sine at lektura na katatampukan ng kilalang mga manunulat sa Filipinas.

Alinsunod sa misyon ng Sentro na iparanas ang mga tradisyon at sari-saring katutubong pagtatanghal sa mga Filipino, pinanatiling libre ang pagdalo sa Performatura 2019. Ngunit hinihikayat ang pagbibigay ng isang libro na magsisilbing tiket para sa isang buong araw. Kaya magdala ng tatlong libro kung dadalo nang tatlong araw. Ang maiipon na libro ay ibibigay sa ilang aklatan sa Filipinas sa pangunguna ng CCP Library and Archives Division.

Vim NaderaAng Performatura ay isang paraan ng Sentro upang ipakita ang ma­yamang pampanitikang tradisyon at kultura ng Filipinas sa pamamagitan ng pag-tatampok sa mga manunulat, alagad ng sining at tagapagtanghal mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang Performatura ay  pagsasanib ng panitikan at pagtatanghal. Ang Performatura ay mula sa mga salitang performance at orature o oral literature.  Ang orature ay  salitang binuo ni Pio Zirimu, isang Ugandan linguist na naglalayong itaas ang antas ng oral na panitikan, kahanay ng nakasulat na pani-tikan.

Ang director ng festival ay si Dr. Vim Nadera Jr., isang performer at makata.

TEMA

Ang temang “Ang Mamatay Nang Dahil Sa Iyo”  ay isang pagtatangka na talakayin ang isyu ng pagpapalit ng huling linya sa ating Pambansang Awit.

Ang unang araw ng Performatura ay para sa spoken word performances. Mayroon ding contest na magaganap para sa slam poetry. Sa araw na ito ay makakapanayam natin ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Resil Mojares ng Cebu. May pagtatanghal din ng epiko mula sa mga Dumagat na galing pa sa Mauban, Quezon Province. Opisyal din na ilulunsad ng Sentro ang binuo nitong website tungkol kay Huseng Batute bilang parangal sa unang Hari ng Balagtasan. Sa ganap na ika-12 ng tanghali ay matutunghayan natin ang literary group na Kuwit mula sa Philippine High School for the Arts sa kanilang pagbabasa ng sariling mga akda.

KOMICOCHING AT TIEMPOETS

Ang ikalawang araw naman ay inilaan sa Pambansang Alagad ng Si­ning para sa Sining Biswal na si Francisco Coching. Sa CCP Café ay pagbaba-lik-tanaw ng Pamilya Coching para kay  Francisco V. Coching bilang isang ama, tiyuhin at lolo. Ang mga mag-aaral ng Eastern Samar National Com-prehensive High School na sumikat dahil sa kanilang viral radio broadcast video ay magbabasa ng isa sa mga komiks ni Coching na pinamagatang Lapu-lapu. Samantala, ay tatalakayin naman ng Pinoy Reads Pinoy Books ang El Indio, isa pang komiks na nilikha rin ni Coching. Sa ganap na ika-12 ng tanghali ay matutunghayan  ang pagtatanghal ng Tadhana, grupo ng mga babaeng spoken word artist. Magbibigay din ng workshop ang isa sa mga kila-lang komikero na si Randy Valiente. Kasabay ng bu­ong Performatura ang Coching Birth Centennial Exhibit na pinamagatang “Nasaan ka na, Mara-bini?” sa pangu­nguna ni Alice Sarmiento.

Ang huling araw ng Performatura ay pagdiriwang naman ng ika-100 taong kaarawan ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Edith Tiempo. Tampok dito ang isang exhibit at sari-saring pagtatanghal ng mga manunulat at makata na inalagaan ni Tiempo sa Dumaguete na para bang kanyang sariling mga anak.

Kasama ng Sentrong Pangkultura ng Filipinas ang Book Development Association of the Philippines para sa tatlong araw na Aklatan-All Filipino Book Fair sa CCP Main Lobby.

Para sa dagdag na impormasyon, bumisita sa CCP Intertextual Division Facebook page o magpadala ng mensahe sa Festival Manager na si Markus Aserit: [email protected], 551-5959 o sa  0919-3175708.

Comments are closed.