Peri-Peri ni Enchong Dee

HINDI  tayo nagtatakang makaisip din si Enchong Dee na magnegosyo. Chinese, syempre, may puso sa business. Pero dahil hindi niya maiwan ang pag-arte, pati na ang first love niyang swimming, franchise lamang ng Peri-Peri Charcoal Chicken ang kanyang negosyo sa ngayon.

Matatagpuan ang kanyang mga franchise sa UP Town Center, Market! Market!, Marquee Mall, at SM Megamal, at ipinagmamalaki niyang kahit nag-pandemic, hindi sila nagsara at hindi rin siya nagtanggal ng empleyado.

Pero sa dinami-rami ng ibinibentang chicken sa mercado, ano ang ipinagkaiba ng Peri Peri chicken?

Ang Sauce. Kakaiba ang kanilang sauce. Pinagsama-sama itong peri-peri, asin, bawang, sibuyas, oil, at suka. Ibababad dito ang chicken ng 24 hours at saka iihawin sa uling. Ang pinagbabaran ay lulutuin din at magiging sawsawan.

Napakasarap ng lasa nito kaya hindi pagsasawaan.

Tinawag itong Peri Peri chicken mula sa salitang Swahili na Pilipili na ang ibig sabihin ay sili (pepper). Ang nasabing pilipili ay mula pa sa Democratic Republic of the Congo, Malawi, Mozambique, at iba pang Bantu-speaking parts of Africa. Kakaiba ang lasa ng peri peri chicken dahil sa piri piri sauce. Isa itong kumplikado at versatile na panimpla ng pinaghalo-halong asim, tamis, alat, at anghang. May halo itong kakaiang klase ng red chilli na nagbibigay ng kakaibang spicy taste.

Kilala rin ang peri-peri sa Africa na African Birds-Eye chilli. Bawat serving ng peri-peri chicken ay may 244 calories na tama lamang sa pangangailangan ng katawan.

Personal na binibisita ni Enchong ang lahat ng kanyang outlets araw-araw, kaya inaabangan siya ng mga fans. Siguro, ito rin ang dahilan kung bahit palaging maraming kliyente ang Peri-peri Charcoal Chicken. NLVN