PANGUNGUNAHAN ni Jason Perkins ng Phoenix ang All-Rookie team na pararangalan sa 25th PBA Press Corps Awards Night sa Enero 21 sa Novotel Manila Araneta Center.
Ang 26-anyos na forward, itinanghal na 2018 Rookie of the Year, ay sasamahan nina Jeron Teng, Paul Zamar, Robbie Herndon, at Christian Standhardinger sa exclusive team na bibigyang-pugay ng grupo ng mga sportswriter na nagko-cover sa PBA beat.
Dalawang iba pang awards, ang Breakout Player of the Year at ang Game of the Season, ang ipagkakaloob din sa 25th anniversary ng taunang okasyon na handog ng Cignal TV.
Ang kareretiro lamang na si Rain or Shine guard Chris Tiu ang tatanggap ng Breakout Player of the Year award, habang ang triple overtime thriller sa pagitan ng Barangay Ginebra at ng Rain or Shine sa Philippine Cup ang napiling Game of the Season.
Tatlong beses na binura ng 33-anyos na si Tiu ang kanyang career-high noong nakaraang taon, sa pag-iskor ng career-best 30 points sa 107-101 panalo laban sa NLEX sa Governors’ Cup sa kanyang final game sa liga. Tinapos niya ang liga na may averages na 10.7 points, 4.0 assists, at 2.4 rebounds.
Samantala, pinataob ng Kings ang Elasto Painters sa tatlong overtime, 100-92, upang kunin ang isang playoff berth sa All-Filipino conference.
Ang talaan ng mga awardee na naunang inanunsiyo ay kinabibilangan nina Stanley Pringle ng NorthPort bilang Scoring champion at ang trio nina San Miguel’s June Mar Fajardo, Paul Lee ng Magnolia, at Vic Manuel ng Alaska bilang recipients ng Order of Merit.
Pinangungunahan ni national team coach Yeng Guiao ng NLEX ang All-Interview team na binubuo nina Joe Devance ng Barangay Ginebra, San Miguel’s Chris Ross, Mike Digregorio ng Blackwater, Standhardinger at Tiu.
Tulad ng dati, ang mananalo ng Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year trophy ang magsisilbing high-light ng okasyon na unang idinaos noong 1993. Ang top contenders para sa award na ipinangalan sa late legendary mentor ay sina Chito Victolero ng Magnolia, Leo Austria ng San Miguel Beer, at Tim Cone ng Barangay Ginebra.
Comments are closed.