PERKINS NAGPAPA-TRADE?

on the spot- pilipino mirror

TAMPOK ngayong umaga sa linguhang session ng 10th Usapang Sports on Air ng Tabloids Organization  on Philippine Sports (TOPS) via Zoom ang gymnastic, basketball at taekwondo.

Pangungunahan nina Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion,  Philippine national taekwondo poomsae team member Rinna Babanto at  Ballout Hoops organizer Cris Bautista ang mga panauhin sa public service program na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng  Philippine Amusement and Gaming Corporation ( PAGCOR).

Tatalakayin ni   Carrion ang  kampanya ni Tokyo Olympics-bound gymnast Caloy Yulo at ang  develolment program ng gymnastics association sa susunod na taon. Habang malalaman kay Babanto, na nakasungkit ng dalawang  silver medals sa  taekwondo sa 2019 Southeast Asian Games at  UAAP Season 81 Poomsae MVP,  ang naging experience niya ngayong may pandemic.

Malalaman naman ang mga  plano ni  Bautista sa  Ballout Hoops para  mga   kabataan na basketball players.

o0o

Gaano kaya katotoo na hindi lamang pala si Matthew Wright ang hindi kasundo ni head coach Louie Alas sa kampo ng  Phoenix LPG Fuel Masters  kundi pati itong si Jason Perkins? Nagre- request na nga ba ng trade ang dating manlalaro ng De La Salle Green Archers sa management dahil sa hindi nila pagkakasundo ng coach? Mukhang alibi lamang ni Perkins sa team na hindi siya makakasama sa balik-ensayo nila sa kadahilanang buntis ang kanyang asawa. Ngunit ang totoo ay ayaw na  niyang sumama dahil gusto na  niyang makakawala  sa Phoenix at lumipat ng ibang koponan.

Si Jason ay isa sa Inaasahan ng LPG Fuel Masters. Katunayan, ang position niya ay puwede sa center, power forward at small forward. Kasama rin ang player sa national team ng 3X3 Chooks to Go na nakasungkit ng  gold medal sa 2019 SEA Games, kasama sina CJ Perez, Mo Tautuaa, at Chris Newsome.

o0o

Congratulation kay Cap Alvin Patrimonio sa paglabas ng kanyang kauna-unahang  apong babae. Nanganak ang ikatlong anak ni Patrimonio na si Clarice noong September 1.  Hindi magkandaugaga sa kasiyahan ang bagong lolo na si Alvin Patrimonio at ang bagong lola na si Cindy sa apong dumating na si Athena Janna Clarissa (haba ng name).

6 thoughts on “PERKINS NAGPAPA-TRADE?”

  1. 348809 193417a great deal lately with my father so hopefully this will get him to see my point of view. Fingers crossed! mortgage banker new york 680883

  2. 595694 689551Hey this really is kinda of off subject but I was wanting to know if blogs use WYSIWYG editors or in case you need to manually code with HTML. Im starting a blog soon but have no coding experience so I wanted to get advice from someone with experience. Any assist would be greatly appreciated! 228502

Leave a Reply

Your email address will not be published.