Perkins sa Magnolia?

on the spot- pilipino mirror

NAKAKATATLONG talo na ang Magnolia Pambansang Manok Hotshots ngunit ngayon pa lang ay gusto na nilang palakasin pa ang kanilang hukbo upang makarating sa finals.

Lalong lumakas ang Hotshots nang dumating sa koponan si Calvin Abueva.  Enegetic na nga ang mga player ni coach Chito Victolero pero mas lalo pang naging energetic ang laro ng tropa ni coach Victolero kaya naman kahit papaano ay lumakas sila.

Pero mas nais ng team na lalo pa silang lumakas. Gusto nilang kunin si Greg Slaughter sa NorthPort para maging matindi ang sentro nila. Subalit kung ‘di nila makukuha si Slaughter ay lilipat sila sa kanilang plan B . Pinagkakainteresan nilang kunin si Jason Perkins ng Phoenix Super LPG. Ang tanong ay sino naman kaya ang ibibigay ng Magnolia kapalit ni Perkins.

vvv

Gaano kaya katotoo na iimbestigahan ang ilang players ng Terrafirma Dyip?  Naging malaking katanungan diumano ang ilang sunod na pagkatalo ng team.  Kasi ay tatlong sunod na nanalo ang team ni coach John Cardel at pawang malalakas ang kanilang mga tinalo tulad ng Magnolia, pagkatapos ay sinunod nila ang San Miguel Beer at ang huling biniktima nila ay ang Brgy Ginebra. Pagkatapos nito ay biglang humina ang mga player.

Ang katanungan dito, bakit daw bumaba ang mga laro nina Juami Tiongson, Aldrech Ramos at Eric Campson na nangunguna ngayon sa team?

Hindi ba puwedeng off night ng mga player kaya napagtatalo ang Terrafirma? Marami tuloy naglalabasan  sa social media na kailangan bang laging talo ang Dyip para  sa  drafting ay sila ang number one pick. Dahil sa may panalo na ang team na tatlo ay hindi na ito magiging number one sa drafting. Malamang ang papalit sa kanila ay ang Blackwater Bossing na hanggang ngayon ay wala pa ring nauuwing panalo

vvv

Magiging panauhin ngayon si GAB  Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa lingguhang session ng TOPS, Usapang sports. Tatalakayin ni Mitra ang gagawing isang araw na on line professional sports summit. Ang summit ay gaganapin sa Sept. 29, 2021. Mapapanood sa alas-10 ng umaga  via live stream ang TOPS Usapang sports.

7 thoughts on “Perkins sa Magnolia?”

  1. 872487 512996magnificent post, really informative. I wonder why the other specialists of this sector do not notice this. You should continue your writing. Im certain, youve a terrific readers base already! 574718

Comments are closed.