LAKAS ng kababaihan ang tema ng mga obra ng New York based artist na si Rommel Rico, na binuksan sa publiko nitong Araw ng Kalayaan.
Ang kababaihan ang itinuturing niyang perlas ng silangan. Makikita sa mga art work nito ang lahi ni Eba mula sa iba’t ibang sosyedad.
Palibhasa ay lumaki sa mga tiyahin, lola at ina ay naging modelo ni Rommel ang mga ito sa pagguhit ng obra na tumutukoy sa lakas, saya at sakripisyo ng kababaihan.
Pansamantalang iniwan ni Rommel ang pagiging nurse at project manager sa Amerika at nagsagawa ng kanyang ikatlong solo exhibit sa SM Centerpoint sa Sta. Mesa, Manila para sa adbokasiya nitong tulungan ang mga kabataang may HIV at malnourished sa ilalim ng Duyan Projects ng Red Ribbon Foundation.
Matutunghayan ang artworks ni Rico hanggang Hulyo 12, 2022.
Kasabay ng pagbubukas ng exhibit nitong Hunyo 12 ay inilunsad ni Ms. Carmie Pascual De Leon ang kanyang first collection na gawa sa recyclable materials.
Si De Leon ay ambassador ng Reztyle. Ang Reztyle ay partner ng Sogocares sa paglikha ng magagandang bags at damit mula sa old linens. SCA