PERMANENTENG DISASTER MANAGEMENT DEPT HINILING

grace poe

TAHASANG sinabi kahapon ni Senadora Grace Poe na kaila­ngang magkaroon ng permanenteng disaster management department kaugnay na rin sa naganap na pagsabog ng Bulkang Taal na kung saan maraming lugar sa Southern Luzon ang apektado nito.

Ani Poe, napapanahon na para ipasa ang Department of Disaster Resilience and Emergency Assistance and Ma­nagement na siyang nakapaloob sa Senate Bill No. 124 na inihain nito noong nakaraang taon.

“I think the eruption of Taal volcano gives yet another reason for the establishment of this department,” giit ng senadora.

“We really need a department that has a mandate of focusing on preventing tragedy during a calamity, correct and timely response, and adequate and proper rehabilitation, including acceptable relocation of victims,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng panukala, ang nasabing departamento ay magkakaroon ng Bureau of Disaster Resiliency na kung saan ang pokus nito ay sa mitigation, prevention, at post-disaster rehabilitation samantalang ang Bureau of Disaster Preparation and Response ang siyang hahawak naman sa operations “immediately before, during, at immediately after a disaster” at ang Bureau of Knowledge Management and Dissemination na siyang naman magpapakalat ng kaalaman kaugnay sa disaster risk reduction management.

Idinagdag pa nito, ang istruktura ng nasabing departamento ay kabibilangan ng dalawang magkahiwalay at may kanya-kanyang focus na trabaho ang   NDRRMC at  ng mismong ahensiya.

Tinukoy nito, mananatili ang policy-making at coordination functions ng NDRRMC sa ilalim ng Republic Act 10121 o ang tinatawag na  “Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010,” at ang sinasabing ‘department proper’ ang siyang magsisilbing secretariat at executive arm na siyang mamumuno at mananagot sa anumang kapabayaan bukod pa sa pagkakaroon nito ng local offices sa bawat rehiyon.

Sinabi pa ni Poe, bagaman ang NDRRMC ang siyang namumuno, ang council  nito ay kinabibilangan ng mga ahensiyang gaya ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health, at Department of Public Works and Highways.

Binigyang-diin ng senadora, sa panahon ng ganitong kalamidad ay mahalagang mayroong  ‘in charge’ para rito. Dapat may isang kalihim na magiging responsable,” aniya. VICKY CERVALES

Comments are closed.