MAGKAKAROON ng permanenteng Kadiwa site sa Limay sa probinsya ng Bataan.
Kasunod ito ng pag-turn over ng Department of Agriculture (DA) ng P5-M para sa pagbubukas ng isang permanenteng Kadiwa sa lugar.
Pinangunahan mismo ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel, Jr. ang paghahatid ng tulong pinansyal sa lalawigan.
Ayon sa kalihim, inaasahang 3,826 na mga magsasaka ang makikinabang sa proyektong ito.
Dagdag pa niya, bukod sa pagpapalakas sa kita ng mga magsasaka, magsisilbi rin itong sentro ng abot-kayang pagkain para sa mga consumer.
Kaugnay nito, inilunsad sa Bataan ang Limay Invests for Farmers’ Triumph na magbibigay ng interest-free loans sa mga magsasaka. Nakaayon ang lahat ng ito sa layunin ng DA na i-modernize ang agriculture sa pamamagitan ng mekanisasyon, infrastructure development, at paggamit ng modernong farming methods.
PAULA ANTOLIN