PERMIT NG 2K TELECOM TOWERS BIBILISAN

INIHAYAG ng bagong itinalagang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na si Benhur Abalos Jr., na kanilang pabibilisin ang pag-iisyu ng mga permit para sa telecommunication towers mula sa local government units (LGUs).

“We must fast-track 2,086 pending LGU permits in 341 cities and municipalities for telecommunication towers to speed up interconnectivity,” ayon kay Abalos sa kaniyang kauna-unahang press conference sa DILG nitong Lunes.

Sinabi ni Abalos na kinakailangang suriin ng LGUs ang kanilang mga rason kung ito ba ay “valid” bagamat kinikilala ng kalihim ang alalahanin ng LGUs ukol sa aplikasyon sa pagtatayo ng mga tower sa kanilang lugar.

Kasabay nito, hinikayat din niya ang LGUs na magkaroon ng digitalized system sa pag-issue ng mga permit gaya ng barangay clearance at business permits upang mapadali ang mga pagtatrabaho
“Sana ma-speed up na ito para mabilis para kay Juan dela Cruz,” dagdag ng DILG chief.
EVELYN GARCIA