CAMP AGUINALDO – BAGAMAN sa Marso pa magsisimula ang kampanya sa lokal na pamahalaan o kanayunan, nagpahayag na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na kanilang tutukan ang pangingikil ng New People’s Army (NPA) sa mga kandidato.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal, hindi nila tatantanan ang mga miyembro ng CPP-NPA at NDF na planong mangikil sa mga kandidato ngayong darating na halalan.
ISa ginanap na turn over ceremony at opisyal na pagtatalaga kay Mgen Cornelio “Toinks” Valencia bilang bagong AFP Chief of Staff for Plans J-5 bilang kahalili ng magreretirong si Mgen Restituto padilla, inihayag ng opisyal na maliban aniya sa pagbabantay at pagtitiyak ng seguridad, tututukan din nila ang pagkilos ng mga rebelde.
Inaasahan na ng militar na sasamantalahin ng CPP-NPA ang pagkakataon para makapangalap ng pondo sa pagpapataw ng ng permit to campaign at permit to win sa mga kandidato.
Kilala na aniya ang NPA sa pangongolekta ng Campaign fees kaya’t hinimok nila ang mga Kandidato na makipag-ugnayan sa kanila kung tina-tawagan sila ng mga Rebelde at gagawa sila ng paraan para mahuli ang mga ito. VERLIN RUIZ
Comments are closed.