PUNTIRYA ng University of Perpetual Help ang back-to-back wins sa NCAA Season 100 men’s beach volleyball tournament na papalo sa February 2025.
Nakopo ng Altas ang kanilang ikalawang sunod na korona sa Season 99 makaraang pataubin nina Louie Ramirez at Jefferson Marapoc sina Marlowe Jamisola at Ar-Jay Ramos ng College of Saint Benilde, 21-19, 21-13.
Gayunman ay wala na si Ramirez kapag nagsimula ang kumpetisyon sa Pebrero dahil graduate na siya sa panahong ito.
Papalit sa kanya si Klint Mateo upang samahan sina veterans Marapoc at reliever Kobe Tabuga.
Pangungunahan nina Marapoc, isang three-year team member, at Mateo, na may dalawang season na karanasan, ang kampanya ng Perpetual.
“We will do everything to retain the title,” wika ni head coach Sammy Acaylar Acaylar, at idinagdag na magsisimula ang puspusang paghahanda ng koponan sa La Aplaya Beach Resort sa Naic, Cavite.
“Louie is a big loss, but we believe in working hard and preparing thoroughly for our opponents. I have full confidence in my players,” ani Acaylar, na ginabayan ang Altas sa kampeonato sa Seasons 88, 92, at 98.
Sa women’s beach volleyball, naghahanda na rin ang Letran Lady Knights na idepensa ang kanilang titulo.
Winalis nina Gia Marcel Maquilang at Lara Mae Silva ang nakaraang season, tampok ang 21-16, 21-16 finals win kontrazSan Beda University.
Tangan ng San Sebastian College ang record para sa pinakamaraming women’s titles sa pito, kasama ang remarkable four-peat mula 2013 hanggang 2016.