PERSONAL ASSETS NG MSMEs PUWEDE NANG LOAN COLLATERAL SA BANGKO

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang isang panukala na nagbibigay sa micro, small, and medium enterprises ng mas malaking oportunidad sa financing sa pagpapalawak ng listahan ng assets na ­maaaring tanggapin ng mga bangko bilang kolateral.

Ang Republic Act 11057 o ang Personal Property Security Act ay nilagdaan ng Pangulo noong Agosto 17.

Ayon kay Senador Bam Aquino, pangunahing may akda ng panukala, papayagan ng batas ang paggamit ng mga ari-arian tulad ng inventory at equipment bilang kolateral para makautang.

“Sa panukalang ito, maaari nang gamitin ng MSMEs ang kanilang personal na ari-arian (farm animals, crops, machi­nery, inventory, etc.) bilang collateral para makautang sa mga bangko at iba pang financial institutions,” anang senador.

Naunang sinabi ni Aquino na karamihan sa assets ng MSMEs ay ‘personal in nature’, kabilang ang equipment, inventory, live-stock, motor vehicles at receivables, kung kaya nahihirapan silang makatugon sa bank requirements upang makautang.

“To reduce the risk posed by accepting movable collate­rals, a comprehensive, centralized, online and notice-based national collateral registry shall be established and administered by the Land Re­gistration Authority (LRA),” nakasaad sa batas.

“The said registry would contain information on personal properties which could be, or have been, registered and used as collateral, in order to ‘assure banks and lenders that any collateral being submitted has not been utilized for ­another loan’.”

Comments are closed.