NASAWI ang personal doctor ni Pope Francis matapos tamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa ulat ng Catholic News Agency (CNA), si Dr. Fabrizio Soccorsi ay binawian ng buhay sa Gemelli Hospital sa Roma sanhi ng komplikasyong dulot ng COVID-19.
Ang Italya ay isa sa mga bansang pinaka-apektado ng pandemya.
Matatandaang noong December 2020 ay dinapuan din ng virus ang dalawang kardinal.
Samantala, inamin ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., sa naganap na pagdinig ng Senado hinggil sa COVID-19 vaccine na nakuhana ng mga mayayamang bansa ang 80% suplay ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ni Galvez na patuloy pa rin ang kanilang pakikipagnegosasyon sa iba’t-ibang manufacturer ng COVID-19 vaccine.
Aniya, umaasa silang magiging patas ang hatian sa natitirang suplay gayong nasa 50 hanggang 70 milyong mga Filipino ang target na mabakunahan kontra COVID-19.
Comments are closed.