ANG personal trainer ay taong may karampatang training para maging trainor ng safe and effective exercise programs para sa mga taong nangangailangan nito.
Hinihikayat nila ang kanilang kliyente sa pamamagitan ng pagbibigay ng goals, pagbibigay ng feedback, at pagiging reliable source for accountability. Nagsasagawa rin ang trainers ng mga assessments mula sa health screening at assessment ng tayo at galaw, flexibility, balance, core function, cardio-respiratory fitness, muscular fitness, body composition, at mga skill-related parameters tulad ng lakas, agility, coordination, speed, at reactivity, upang maobserbahan at makakuha ng impormasyong kailangan upang makagawa ng exercise program na kailangan ng kliyente. Ginagawa ang nasabing assessments bago magsimula ang exercise program upang masukat ang progress ng kliyente. Tinuturuan din nila ang mga kliyente ng mga aspeto ng wellness, kasama ang pangkalahatang kalusugan at nutrition guidelines.
Ang mga personal trainers ay dapat na nakatapos ng kursong may kinalaman sa physical fitness o kahit personal trainers certificate. Kung ang kliyente ay may medical condition, dapat ay may permiso ng duktor ang kanyang exercise program.
Kung isa ka sa mga taong may ganitong kakayahan, napakalaki ng potensyal na yumaman ka. Pwede kang mamasukan muna, at sa huli ay magtayo ka ng sarili mong gym.
Bilang personal traine, trabaho mong i-assess ang bodily strengths and weaknesses ng customers at gumawa ng customized workout plans na para lang sa kanila. Magbibigay ka rin ng physical and mental guidance at regular na imomonitor ang customers’ progress. Trabaho mo ring siguruhing hindi masasaktan ang customer habang nasa training.
Mahal ang bayad sa personal training. Ang average personal trainer ay sumisingil ng Php300 per hour, depende sa location. Pero may low-end naman na sumisingil lang ng P100-150 per hour. Sa high-end naman, abot ng Php500 per hour. Kumikita ang personal trainers ng hindi bababa sa Php30,000 per month at kung maganda ang location, abot pa ng mahigit Php100,000.
Opo, mahal po ang bayad sa personal trainer. Pwede kang mag-offer ng in-home consultations, personalized nutrition at exercise regimens, at community boot camps. Huwag kalilimutang gumamit ng Facebook at Instagram para mas maging sikat siya. KAYE NEBRE MARTIN