SA pagpapatuloy ng imbestigasyon sa Mindanao State University (MSU) bombing, nadagdagan pa ang persons of interest (POI) o posibleng may kinalaman sa nasabing karahasan.
Iniulat ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo na apat na ang POi sa pambobomba sa MSU nitong Linggo.
pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Fajardo na natukoy na ang pagkakakilanlan ng dalawang unang persons of interest na pinaniniwalaang nagtanim ng bomba.
Ayon kay Fajardo, kinilala ng mga testigo ang dalawa mula sa mga larawan ng “known terrorists” at natukoy ang mga ito na miyembro ng isang local terrorist group sa Mindanao.
Bagaman hindi muna pinangalanan ang dalawang persons of interest at ang naturang local terrorist group na sinasabing may kinalaman ang mga ito sa ilan pang insidente ng pambobomba sa nakaraan.
Bukod sa dalawa, sinabi ni Fajardo na mayroon pang tinitignan ang mga imbestigador na dalawa pang kasabwat na nagsilbing lookout.
EUNICE CELARIO