PERTUSSIS OUTBREAK IDINEKLARA SA ILOILO CITY

ILOILO CITY- MAKARAANG matukoy ng local health authorities na tinamaan ng pertussis o whooping cough ang pito katao, nagdesisyon si Iloilo City Mayor Jerry Treñas na ideklara ang outbreak sa kanyang nasasakupan.

Patuloy din ang verification ng mga health worker kung pertussis din ang sanhi ng pag-ubo ng ilang residente sa nasabing lungsod.

Maging ang Department of Health ay nagpahayag na kung magpapatuloy ang pagdami ng kaso sa isang lugar ay maidedeklara ang pertussis outbreak.

Nitong isang linggo, idineklara rin ang pertussis outbreak sa Quezon City kung sa apat na paslit ang nasawi habang 23 ang pasyente ng nasabing sakit.

Samantala, inamin ng DOH na sampung rehiyon sa bansa ang apektado ng nasabing sakit.

Bukod sa Metro Manila, at Western Visayas, kasama na rin ang Calabarzon at Central Visayas.
EUNICE CELARIO