‘PERTUSSIS” OUTBREAK IDINEKLARA SA KYUSI

IDINEKLARA ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang outbreak ng pestussiss o ang labis nag pag-ubo na kadalasang tumatama sa mga sanggol sa lungsod.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Belmonte na nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng pertussis sa lungsod sa huling quarter ng 2023.

Nitong Enero hanggang Marso ay nakapagtala na ng 23 kaso ng pertussis cases sa Quezon City na lumagpas umano sa ‘outbreak point’ kaya’t kailangan ng maagap na aksiyon.

Mula sa nasabing bilang, apat ang binawian ng buhay at pawang mga sanggol na halos dalawang buwan pa lamang ipinapanganak kung saan tatlo dito ang hindi pa napapabakunahan.

Ayon kay Dr Rolly Cruz ng QC Epidemiology & Disease Surveillance Unit, ang kabiguan ng mga ina na pabakunahan ang kanilang mga sanggol ang isa sa mga nakikitang dahilan ng pagloo ng pertussis cases.

Nagsasagawa na rin umano ng contact tracing ang QC Epidemiology & Disease Surveillance Unit at tiniyak na may mga quarantine area para sa mga magpopositibo sa naturang sakit.
EVELYN GARCIA