PESO OPISYAL NANG NSA PARA SA ESPORTS

PESO

PINORMALISA ng Philippine Olympic Committee (POC) ang accreditation ng Philippine Electronic Sports Organization (PESO) bilang opisyal na National Sports Association para sa esports sa bansa.

Sa isang certificate na inisyu noong Oct. 9, idineklara ng POC ang PESO bilang associate member, na kumikilala rito bilang NSA para es-ports.

Nilagdaan ni POC Secretary General Atty. Edwin B. Gastanes, ang certificate ay naglalaman din ng mga pangalan ng mga opisyal ng PESO na magsisilbi ng termino na dalawang taon

mula sa kanilang pagkakahalal noong February 2019: Brian Benjamin Lim, President; Eric Redulfin, Vice President; Jess Tamboboy, Secretary General; at  Michael Gatchalian, Corporate Secretary.

“We are honored and grateful for the trust that the POC placed in us. We embrace this huge responsibility as we continue to support our athletes and push the growth and development of Esports in the country,” pahayag ni Lim.

“We also echo POC’s call for unity among esports groups and communities as we all share the same goal to showcase the skills and abilities of Filipino gamers in the world arena and ultimately bring glory to our country,” dagdag pa niya.

Sinuportahan ng member-organizations ng PESO ang matagumpay na debut ng esports bilang medal event sa 30th Southeast Asian Games na ginanap sa bansa noong nakaraang taon.

Ang mga miyembro ng PESO ay nagsilbing National Technical Officials (NTOs) ng torneo, at kasama sa  co-producing at streaming ng event para sa mga kalahok na bansa.

Ang mga miyembro ng PESO ay nagkaloob din ng coaching at  management staff para sa Team Sibol, ang Philippine National Esports Team.

Ang certificate ng PESO ay inilabas ng POC, isang buwan makaraang kuwestiyunin ng grupo na pinamumunuan ni Ramon Suzara, ang chief ng organizing committee ng 2019 SEA Games, ang pagiging lehitimo nito, at nanawagan sa POC na i-reconsider ang accreditation.

Nais ng grupo ni Suzara, ang National Electronic Sports Federation of the Philippines (NESFP), na maghintay ang POC hanggang kilalanin ng International Olympic Committee ang isang international federation para sa  esports.

Comments are closed.