PET LOVERS PINAIIWAS SA PEAK HOUR SA PAGSAKAY SA MRT3

PINAYUHAN  ng MRT3 ang mga pet lover na iwasan sumabay sa peak hours kung sasakay sa tren kasama ang kanilang mga alagang hayop gaya ng aso o pusa.

Sinabi ni Engr. Michael Capati, General Manager ng MRT 3, ito ay para na rin sa kapakanan nila at ng kanilang mga alagang hayop.

Nilinaw ni Capati na bagaman hindi sila binabawalan na sumakay, pinayuhan na mas makabubuti pa rin na mamili ng oras na hindi masikip para maging maginhawa naman ang pagbiyahe.

“Hindi naman natin sila pinagbabawalan, anytime they want puwede sila sumakay, ‘yun nga lang para sa convenience nila at ng kanilang alaga might as well na ityempo nila na walang gaanong sumasakay.

Anyway, marami naman tayong tren kaya tingin ko naman hindi magkakaroon ng problema. Kung puno naman na ang tren pwede namang maghintay ng kasunod para ‘di maging siksikan,” pahayag ni Capati.

Dagdag pa ni Capati na walang dapat ipag-alala ang mga pasaherong mayroon tinatawag na allergy sa mga balahibo ng mga hayop gaya ng aso at pusa dahil dini-disinfect naman ang bagon ng tren. Beth C