NAKAPAGDESISYON na si Peter Jun ‘PJ’ Simon na magretiro pagkatapos ng 2020 PBA Philippine Cup. Isasabit ni PJ ang kanyang jersey no. 8 sa laro nila against Brgy Ginebra sa March 10 sa Manila Clasico. Nagsimulang maglaro si Simon sa kampo ng Purefoods franchise noong 2004 hanggang ngayong 2020 mula nang hugutin siya sa 5th round.
Eight-time champion at walong beses din siyang nakasama sa All-Star. Last year ay itinanghal si Simon bilang PBA 3-point king. Si PJ ay pang-apat na player ng Purefoods na magreretiro. Nauna na rito sina Alvin Patrimonio (16), Jerry Codinera (44) at Rey Evangelista (7).
Wala nang mahihiling pa si PJ sa kanyang basketball career dahil naranasan na niyang makasama sa grand slam sa kampo ni coach Tim Cone, kasama pa niya ang kanyang kaibigan na si James Yap. Tama lang ang desisyon ng player na iretiro na ang kanyang jersey habang mainit pa rin ang kanyang pangalan. Sa totoo lang, ‘di na rin kasi siya nagagamit ni coach Chito Victolero. Mas matagal pa ang pagkakaupo niya kaysa paglalaro sa gitna ng court. Thank you, Peter Jun Simon, sa lahat ng naibahagi mo sa PBA at sa iyong fans.
Magkakaalaman na ngayong Linggo, March 8, kung tatapusin na ng Palayan City Capital ang kanilang best-of-three championship game laban sa defending champion San Juan Knights na gagawin mismo sa Gapan gymnasium. 79-74 ang final score sa Game 1 na ginanap mismo sa kampo ng San Juan. Sa pagkakataong iyon ay nasa Knights ang momentum ng laro pero mas umiral sa tropa nina coach Alvin Grey at team owner Mayor Adrienne Cuevas ang determinasyon na maiuwi ang unang kampeonato sa Community Basketball Association, Pilipinas Executive Cup.
Si Renz Alcoriza ang nanguna sa team na gumawa ng 19 points, 7 of 11 shooting sa 24 minutong paglalaro.
“Homecourt naman namin sa susunod na game kaya pipilitin naming makuha na ang titulo. Kailangan lang tapatan namin ‘yung physical game nila, lalo na sa shaded area,” sabi coach Grey, kung saan katulong niya bilang assistant coach si PBA legend Pido Jarencio.
Ayon kay Mayor Cuevas, full support sila sa Palayan team lalo na’t sa lugar nila mismo gagawin ang Game 2. Naniniwala si Mayor Adrienne na kukunin nila ang korona sa Linggo upang hindi na sila bumalik sa Manila.
Magiging tampok sa TOPS Usapang Sports ngayong umaga sa National Press Club sa Intramuros, Manila ang bodybuilding at karate.
Tatalakayin ni International Federation of Bodybuilding at Fitness Philippines president Rowena Walters ang dalawang major bodybuilding events sa bansa – ang AIFBB Philippines Nationals sa July 17-18 at ang IFBB Philippines Grand Prix sa October 9-12 sa taong kasalukuyan. Si Ms. Walter ang may hawak ng multi-title bilang female bodybuilder both local at international at siya ngayon ang appointed president ng Philippines Committee of Fitness at Bodybuilding (PCBF).
Makakasama rin nila sa umagang session ang Philippine Karatedo League (PKL) Officials, sa pangunguna nina Sensei Allan Gonzales (President), Engr. Ecel Bono-Aquino ( VP for Administration) at Sensei Resty Fillarca, Jr. (VP for Technical Affairs).
Comments are closed.