PETER LIM NAKAPUSLIT NA NG PINAS

PETER LIM

IPINABEBERIPIKA na ng Department of Justice (DOJ) ang report na nakapuslit na papuntang Malaysia ang negosyanteng si Peter Lim matapos dumaan sa backdoor.

Batay sa ulat na nakarating kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sinasabing umupa umano ng barko si Lim sa Palawan at nagtungo sa Malaysia.

Sa kabila nito, kumpiyansa naman si Guevarra na matutunton din ng mga awtoridad si Lim kahit pa ito ay nakalabas na ng bansa.

Nauna rito, si Lim ay inisyuhan ng warrant of arrest ng Makati Regional Trial Court  kaugnay sa kasong may kinalaman sa ile­gal na kalakaran ng droga.

Tinangka na itong isilbi ng Philippine National Police (PNP) ngunit biglang iniulat na nawawala si Lim sa kanyang dalawang bahay sa siyudad ng Cebu.

Unang pinuntahan ng mga pulis ang ancestral house ni Lim sa Barangay Kasambagan at sunod na tinungo ang kanilang village sa may Barangay Banilad ng nasabing lungsod, ngunit hindi ito natagpuan.

Sinabi ng caretaker na may 10 taon na umanong hindi bumibisita roon si Lim kaya hindi na raw sila nagtangka pang pumasok.    ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.