“SURRENDER, prove your innocence in court”. Ito ang panawagan ni Presidential Spokesman Harry Roque sa high profile drug suspect na si Peter Lim.
Ayon kay Roque, mas makabubuting sumuko na lamang si Lim at harapin ang kaso laban sa kanya na nakabinbin sa sala ni Makati Regional Trial Court branch 65 Presiding Judge Gina Bibat-Palamos.
“The President does not personally know Peter Lim. There was a wedding when they were together, but that was the full extent,” sabi pa ni Roque sa press briefing sa Malakanyang.
“If you don’t surrender, we will still get you. But if you’re innocent, then, we guarantee that you will be given your day in court,” sabi ni Roque.
Nauna rito ay nagpalabas ng arrest warrant si Judge Bibat-Palamos laban kay Lim matapos makumbinsi na may probable cause ang isinampang kaso ng Department of Justice na paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban kay Lim.
Si Lim ay isinangkot ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa sa kanyang testimonya sa Senado na supplier ng shabu.
Nabigo ang pulisya sa Cebu City na maisilbi ang arrest warrant kay Lim sapagkat hindi naman natagpuan sa kanyang mga address sa nabanggit na siyudad bagamat tiniyak ng mga awtoridad na hindi pa siya nakalalabas ng bansa. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.