PETISYON NI DE LIMA IBINASURA

Sen-Leila-De-Lima

IBINASURA  ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch  206 ang petisyon ni  Senador Leila De Lima para ipawalang bisa ang kasong isinampa  laban sa kanya  kaugnay sa illegal drug trade  sa  New Bilibid Prison (NBP).

Ito ay ang Motion to Quash na una nang isinumite ng kampo ng senadora para ipawalang bisa ang kasong Conspiracy to Commit Illegal Drug Trading.

Ibinase ni  Judge Patria De Leon ang pagbasura sa teknikalidad dahil sa dati na umanong natalakay ang nilalaman ng naturang mosyon.

Gayunman, hindi pa rin natuloy ang dapat sa­nang arraignment laban sa senadora matapos maghain ng 12 pahinang motion for reconsideration ang mga abogado nito.

Binigyan muna ng kor­te ang prosecution  ng limang araw para pag-aralan at sagutin ang panibagong mosyon  ng  kampo ni De Lima at itinakda ang panibagong pagdinig sa Hulyo  27 ng umaga. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.