ISANG panibagong petisyon ang inihain sa Korte Suprema na kumukwestiyon sa plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na pagbawalan ang mga provincial bus sa EDSA.
Ito ay sa kabila ng kabiguan ng unang mga mambabatas na nagsampa rin ng petisyon sa Kataas-taasang Hukuman.
Naghain ng petisyon sa Supreme Court kahapon ng umaga ang mga miyembro ng Makabayan bloc na humihirit ng temporary testraining order (TRO) upang hindi matuloy ang plano ng MMDA.
Sinabi ni Bayan Muna Partylist Chairperson Atty. Neri Colmenares, walang kapangyarihan ang MMDA para magpatupad ng sariling kapasyahan sa kung ano ang mga sasakyan ang papayagan at hindi papayagan na magkaroon ng terminal sa EDSA.
Ura-urada umano ang pasya ng MMDA na maipatupad ang bus ban sa EDSA kahit hindi pa nakonsulta ang mga apektadong stakeholder.
Nauna rito ay naghain ng kaparehong petisyon sina Albay Representative Joey Salceda, AKO Bicol partylist Reps. Ronald Ang at Alfredo Gabin, Jr., subalit bigong makakuha ng TRO ang mga ito.
Hindi naglabas ng TRO ang mga hukom dahil wala umano silang nakikitang dahilan upang madaliin ang pagpapalabas ng nito at pigilan ang pagbabawal ng mga bus sa EDSA, maging ang mga terminal ng mga ito.
Comments are closed.