NILINAW ni Toll Regulatory Board (TRB) spokesperson Bert Suansing na hindi pa inaaprubahan ng kanilang ahensiya ang inihaing petisyon na taas singil sa mga expressway dahil dadaan pa ito sa masusing pag-aaral.
Maaaring umabot ng hanggang 40 porsiyento ang dagdag-singil sa toll ng mga expressways gaya ng NLEX, SCTEX o Subic – Clark – Tarlac Expressways.
Tiniyak ni Suansing na magiging makatuwiran ang ipapataw nilang dagdag singil para hindi ito maging mabigat sa bulsa ng mga motorista.
Comments are closed.