PETRO GAZZ VS STA. LUCIA SA KRUSYAL NA DUELO

Petro Gazz vs STA LUCIA

Mga laro ngayon:

3 p.m. – BaliPure vs PLDT

6 p.m. – Petro Gazz vs Sta. Lucia

MAGTUTUOS ang Petro Gazz at Sta. Lucia sa krusyal na duelo na magdedetermina sa kani-kanilang katayuan sa semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa PCV Socio-Civic Cultural Center ngayon sa Bacarra, Ilocos Norte.

Katabla ang Choco Mucho sa ikatlong puwesto na may 5-2 karta, tatangkain ng Angels ang lucky win No.6 para makasiguro ng playoff sa Final Four.

Nakatakda ang laro sa alas-6 ng gabi.

Ngunit kailangan nilang maapula ang mainit na four-game run ng Lady Realtors na umarangkada sa 5-3 matapos ang malamyang 1-3 simula sa elimination round ng kauna-unahang professional volleyball league sa bansa.

Impresibo ang Sta. Lucia crew sa pangunguna nina MJ Philips, Jonah Sabete, Jovie Prado, Aiza Pontillas at middle hitter/blocker Mika Reyes, sa matikas na panalo laban sa Black Mamba Army Lady Troopers, Chery Tiggo Crossovers, BaliPure Water Defenders at Perlas Spikers.

Sasandig naman ang Angels kina Myla Pablo, Ria Meneses, Gretchel Soltones at Ces Molina. Galing din sila sa panalo laban sa Water Defenders nitong Martes.

Magkakasubukan naman ang BaliPure at PLDT sa unang laro sa alas-3 ng hapon para buhayin ang sisinghap-singhap na kampanya tangan ang 2-5 at 1-6 marka, ayon sa pagkakasunod.

Mapapanood ang mga laro nang live sa One Sports (Free to Air), at One Sports+ (Pay TV). Parehong mapapanood ang channels sa streaming ng Cignal Play at sa gigafest.smart at para sa replays sa http://www.pvl.ph.

Nangunguna ang Choco Mucho sa 10-team tangan ang malinis na 6-0 marka. EDWIN ROLLON

4 thoughts on “PETRO GAZZ VS STA. LUCIA SA KRUSYAL NA DUELO”

Leave a Reply

Your email address will not be published.