Mga laro sa Miyerkoles:
(Filoil Flying V Centre)
2 p.m. – Choco Mucho vs Pacifictown-Army
4 p.m. – BaliPure vs Air Force
6 p.m. – BanKo-Perlas vs Creamline
NAKOPO ng Petrogazz ang kanilang unang panalo sa PVL Open Conference matapos ang 25-22, 25-18, 25-16 pagwalis sa BaliPure kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Nagbuhos si Jeanette Panaga ng 16 points, kabilang ang tatlong blocks, habang nag-ambag si Stephanie Mercado ng 9 points para sa Angels.
Makaraan ang four-set loss sa BanKo-Perlas noong nakaraang linggo, batid ng PetroGazz na kailangang kumayod nang husto ng kanilang local crew kung nais nilang masundan ang Reinforced Conference championship run noong nakaraang buwan.
“Ang mindset lang talaga, eh ito start na talaga. ‘Yung last game namin, off lang talaga. Hindi totally naka-focus talaga sa ginagawa nila,” wika ni Angels mentor Arnold Laniog.
‘Di tulad sa conference opener kung saan nagbigay ito ng 30 points mula sa miscues, naging matagumpay ang PetroGazz sa pagbawas sa kanilang errors sa 22 na nais mangyari ni Laniog para mamayani ang kanyang tropa.
“Hopefully magtuloy-tuloy, but kalaban namin sa Sabado ang Creamline. Pampa-boost ng confidence talaga itong panalong ito,” ani Laniog.
Sa Collegiate Conference, nagtuwang sina Regine Arocha at Necole Ebuen para sa 20 points nang gapiin ng NCAA champion Arellano University ang Technological Institute of the Philippines, 25-12, 25-7, 25-13, habang naging matagumpay ang pagbabalik ni EJ Laure mula sa two-year hiatus nang umiskor ng service ace at game-clinching kill sa 25-18, 25-13, 25-21 panalo ng University of Santo Tomas kontra Lyceum of the Philippines University.
Sa iba pang laro ay tumipa si Charina Scott ng 13 points upang pangunahan ang University of Perpetual System Dalta sa 25-14, 25-22, 22-25, 25-17 panalo laban sa San Sebastian.
Nag-ambag si Jonah Sabete ng 7 points, habang nagtala si Jovie Prado ng 6 points at 9 receptions para sa Angels.
Comments are closed.