NAKOPO ng PetroGazz ang ikalawang sunod na panalo makaraang walisin ang Army Black-Mamba, 25-21, 25-10, 25-13, sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan.
Umangat ang Angels sa 4-2 upang palakasin ang kanilang Final 4 bid at makadikit sa PLDT (4-1).
Umiskor si MJ Phillips ng 16 points sa dalawang sets, kumana ng 9 kills na sinamahan ng 4 blocks at 3 aces. Nagdagdag si Aiza Maizo-Pontillas ng 10 points at gumawa si Remy Palma ng 9 markers.
Matapos ang dikit na first set, kinontrol ng Angels ang second at third sets.
Nahulog ang Army sa 0-6 sa torneo.