Mga laro bukas:
(Philsports Arena)
4 p.m. – PLDT vs Choco Mucho
6:30 p.m. – Army-Black Mamba vs Cignal
PINATALSIK ng PetroGazz sa kontensiyon ang Chery Tiggo sa 25-21, 28-26, 25-21 panalo sa PVL All-Filipino Conference kahapon sa jampacked University of San Agustin Gym sa Iloilo City.
Naglaro sa kanyang hometown, umiskor si Aiza Maizo-Pontillas ng 13 points para sa Angels na tinapos ang eliminations na may 6-2 record, isang morale-booster sa kanilang kampanya na masundan ang Reinforced Conference title romp noong nakaraang taon
Hinila rin ng panalo ng PetroGazz ang walang larong PLDT sa susunod na round upang samahan ang mga pasok nang Creamline at F2 Logistics.
Ang High Speed Hitters, may 5-2 kartada, ay umaasa sa panalo ng Angels para masibak ang Crossovers.
Masaklap ang pagkakasibak ng Chery Tiggo sa season-opening conference. Sinimulan ng Crossovers ang torneo sa 3-0, kabilang ang stunning reversal sa Cargo Movers, subalit nabigo sa huli.
Tumapos ang Crossovers sa fifth na may 4-4 kartada.
Sisimulan ang semifinals sa Sabado sa Philsports Arena.