MULI na namang sisipa ang produktong petrolyo ngayong araw, na nagsisilbing ikalimang linggo ng pagtataas ng presyo sa bansa.
Magtataas ng singil ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. at SEAOIL Philippines kada litro ng gasolina ng P0.65, diesel ng P0.65, at kerosene ng P0.65.
Ipatutupad ang price adjustments bukas ng alas-6:00 ng umaga, Setyembre 11.
Noong nakaraang linggo, nagtaas ang presyo ng oil companies sa kada litro ng diesel ng P1.20, gasolina ng P0.95, at kerosene ng P0.95.
Ipinakita ng Department of Energy (DOE) ang datos ng presyo ng gasolina na kasalukuyang nasa P46.15 hanggang P63.91 kada litro, diesel mula P42.30 hanggang P48.10 kada litro, at kerosene mula P47.42 hanggang P52.66 kada litro.
Comments are closed.